Catriona, Sam maalaga kay baby Theo

Ang daming kinilig sa mga lumabas na photo nina Catriona Gray at Sam Milby, ha!

The post Catriona, Sam maalaga kay baby Theo first appeared on Abante.

catriona sam maalaga kay baby theo - Catriona, Sam maalaga kay baby Theo
catriona - Catriona, Sam maalaga kay baby Theo

Ang daming kinilig sa mga lumabas na photo nina Catriona Gray at Sam Milby, ha!

Dalawang magkasunod na mga photo nga `yon, na ang una ay may kachika via virtual silang kaibigan o staff nila. Super sweet sila sa photo na `yon, dahil nakahilig nga si Catriona kay Sam. At ang pangalawa naman ay nakaupo silang magkatabi at may kargang aso.

Kung sa Instagram nina Sam at Catriona mo hahanapin ang mga photo na `yon, hindi mo makikita. Sa ibang mga IG account ng mga taong malalapit sa kanila mo nga masisilip ang mga `yon.

Anyway, katuwa lang ang photo na karga nila si baby Theo, ha! Ang laki na kasi niya ngayon.

Si baby Theo nga ay fur baby ni Catriona, na nung una niyang inilabas sa Instagram ay super liit pa, pero ngayon nga ay ang laki na, ha! Ramdam mong mahal na mahal at alagang-alaga nina Catriona at Sam si baby Theo, ha!

Pero, ang mas bongga, ramdam na ramdam mo ang pagmamahalan nila sa isa’t isa. Kahit may mga taong ayaw na ayaw talaga kay Sam para kay Catriona.

Kung ano-ano ngang panlalait ang sinasabi ng iba tungkol kay Sam. Pero, dahil love raw nila si Catriona, kaya go na rin sila, at wish na lang nila ay maging happy ang idolo nila.

Well, kitang-kita naman sa mga mata ni Catriona kung gaano siya ka-happy sa piling ni Sam. So, hayaan natin silang maging maligaya. (Dondon Sermino)

The post Catriona, Sam maalaga kay baby Theo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *