Catriona pinaligaya ang anak ni Piolo

Pumatak na ng isang milyon ang followers ng anak ni Piolo Pascual na si Iñigo Pascual sa Tiktok. Sobrang trend kasi ngayon ang Tiktok kaya hindi ito nagpahu­ling magkaroon ng account dito.

catriona pinaligaya ang anak ni piolo - Catriona pinaligaya ang anak ni Piolo
catriona 30 - Catriona pinaligaya ang anak ni Piolo

Pumatak na ng isang milyon ang followers ng anak ni Piolo Pascual na si Iñigo Pascual sa Tiktok. Sobrang trend kasi ngayon ang Tiktok kaya hindi ito nagpahu­ling magkaroon ng account dito.

Bilang pagdiriwang sa pag-abot ng 1M followers sa Tiktok, siniguro ng aktor na makakasama niya mismo ang Miss Universe 2018 na si Catriona Gray kapag ginawa niya ang cover sa kantang “Catriona” ni Matthaios.

Napaboran naman siya sa hiling na makasama ang reyna sa Tiktok cover ng naturang kanta kaya naman agad umakyat ulit ang follower nito sa 1.2M at 3.8 likes. Biglang napaatras at tumumba pa nga si Iñigo nang biglang sumingit ang reyna sa kanyang Tiktok cover, kitang-kita na kinilig talaga siya, ha!

Well, pamatay naman kasi talaga ang smirk o ngiti ni Catriona. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *