Catriona, Pia agawan ng trabaho

Dahil sa ban sa US ng cellphone brand na Huawei ay marami ang nagtatanong kung patuloy pa ring ie-endorse ‘yon ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach? Kahapon sa Pandesal Forum ng Kamuning Ba­kery, sinabi ni Ms. Karenina Buenafe ng Public Affairs and Communications Department na patuloy pa rin ang kontrata sa kanila ng beauty queen/actress.

The post Catriona, Pia agawan ng trabaho appeared first on Abante News Online.

catriona pia agawan ng trabaho - Catriona, Pia agawan ng trabaho
pia catriona - Catriona, Pia agawan ng trabaho

abante anything goes jun lalin 336x224 - Catriona, Pia agawan ng trabahoDahil sa ban sa US ng cellphone brand na Huawei ay marami ang nagtatanong kung patuloy pa ring ie-endorse ‘yon ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach? Kahapon sa Pandesal Forum ng Kamuning Ba­kery, sinabi ni Ms. Karenina Buenafe ng Public Affairs and Communications Department na patuloy pa rin ang kontrata sa kanila ng beauty queen/actress.

‘Yung promotions naman daw nila ng Huawei sa ating bansa ay hindi basta matitigil.

So, pagkatapos ba ng reign ng ating Miss Universe 2018 na si Catriona Gray ay kukunin na rin ba nilang endorser ang beauty queen na sinasabing pinakamahigpit na karibal ngayon ni Pia sa endorsements?

“We’ll see. But even before na sumali siya sa Bini­bining Pilipinas, may social media campaign kami na siya ang na-feature,” sabi pa ni Ms. Karenina.

Nora naiyak sa paandar ng mga fan

Alam mo, Dondon, napakasuwerte ng Superstar na si Nora Aunor sa kanyang mga fan!

Kahit may ibang mga nagsasabi na parang nakalimutan daw ng Noranians ang birthday ni Mama Guy dahil walang masyadong fanfare, pero ang totoo pala, maraming fans ng Superstar ang nag-donate para makalikom sila ng pambili ng school supplies, clothes, food at kung ano-ano pa na dinonate nila sa ilang charitable institution.

Kuwento sa akin ng isang malapit kay Mama Guy, alam daw ng Superstar na mahilig ngang magkaroon ng ce­lebration ang Noranians para sa kanyang birthday, kaya nag-request daw ang Superstar na mag-donate na lang ang mga ito sa charity.

Ang Noranians naman, nakapag-donate na raw sa pitong charitable institutions at may bibigyan pa silang dalawa. Ang bongga!

Ang karamihan nga pala sa Nora­nians na nag-donate ay based abroad na patuloy na nagmamahal kay Mama Guy.

Pero alam niyo ba na kahit nag-donate na sila sa charity, ilan sa kanila (the key officers of her numerous fan clubs) ang nagpunta sa condominium building na tinitirhan para dalhan siya ng cake and food, pati flowers, at sobra nga raw na-touch ang Superstar.

At her age nga naman (she’s 66), loyal na loyal pa rin ang Noranians, huh!

Nang magsimba nga raw si Mama Guy, sinamahan pa raw siya ng kanyang mga fan at sobrang happy nga raw ang Superstar noong araw na ‘yon!

Vice, Ion magpapakilig sa Pasko

May mga fan pala si Vice Ganda na kinikilig sa kanilang dalawa ni Ion Perez ang nagsasabing ang rumored boyfriend na lang daw ng comedian/TV host ang ga­wing leading man sa Metro Manila Film Festival 2019 intended movie entry ni Vice. Puwede kaya?

Si Anne Curtis ang makakasama ni Vice sa pelikulang ‘yon at sabi, marami na naman daw fan ang “love team” nila ni Ion, kaya dapat lang daw na isama sa pelikulang ‘yon ang binata.
Well…

The post Catriona, Pia agawan ng trabaho appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *