Catriona nagsuot ng ‘basura’

Yes, nagsuot nga ng ‘basura’ si Miss Universe 2018 Catriona Gray!

The post Catriona nagsuot ng ‘basura’ first appeared on Abante.

catriona nagsuot ng basura - Catriona nagsuot ng ‘basura’
Catriona - Catriona nagsuot ng ‘basura’

dondon sermino 6 - Catriona nagsuot ng ‘basura’Yes, nagsuot nga ng ‘basura’ si Miss Universe 2018 Catriona Gray!

Basura nga sana `yan, kung hindi pinag-isipan, pinagkaabalahan, ng mga taong nagmamalasakit sa kalikasan.

At proud na proud nga si Catriona na ang mga materyales na dapat sana ay nasa basurahan na, nagamit pa niya, at sobrang ganda sa kanya, ha!

“Can you guys believe that my earrings, and all the items in the photos are created using discarded plastic?! The earrings I’m wearing here were created using coffee machine capsules by @ncreativetouch.

“@junknot.ph located in Binan, Laguna has a vision of encouraging sustainable waste practices as well as using our wasteful rubbish to create something beautiful! Check out their handicrafts (@junknot.ph).
“The second photo, the bracelet I’m wearing was my own attempt at weaving the plastic! When done with skillful hands, plastic wrappers can be woven to create beautiful furniture – like this chair!

“Imagine if we could shift to more sustainable waste management, whilst utilizing existing plastic waste into practical and beautiful uses all over the Philippines?

“#RaiseYourFlagLaguna 1f1f5 1f1ed - Catriona nagsuot ng ‘basura’ @otop.philippines #SupportLocalPH.

“Styled by @justine.aliman19 @styledbypatrickhenry Hair by @kiel.hair @cornerstone,” sabi ni Catriona.

***

Elijah Canlas mahusay magpaiyak

Ang husay na artista nitong si Elijah Canlas, ha!

Kunsabagay, noon paman ay alam na naming may ibubuga ang binata sa pag-arte, pero mas lumutang pa `yon ngayon sa BL (boy’s love) serye nila ni Kokoy de Santos na Gameboys, na mapapanood sa YouTube, at prodyus ng The Idea First Company, nina Direk Perci Intalan at Jun Lana.

Sa sobrang husay niyang umarte, hindi mo mamamalayan, umiiyak ka na pala habang pinanonood siya. Ang husay niyang magpaiyak.

Sa episode 7 at 8 ng Gameboys, na ang eksena nga ay namatay na ang tatay ni Cairo (Elijah), para kang tinarakan sa dibdib habang pinanonood siyang umaarte, umiiyak. At oo, bigla na lang akong naluha sa kanya.

At sa episode 12 naman, kung saan ay nag-aaway ang karakter nila ni Kokoy (bilang Gavreel), ramdam na ramdam ang intense ng akting nito, na kontrolado ang galit ng mukha, at tono ng pananalita.

Hindi nga siya tulad ng ibang aktor na kapag nagagalit, halos wala ka nang maintindihan, dahil sa sobrang talak. Si Elijah, malinaw ang pagkaka-deliver ng mga linya, at pati na ang ekpresyon ng mukha.

Well, good luck sa Gameboys, at sana lang, huwag umuwing luhaan ang mga fan, sa mga huling episode nito. Or else???

The post Catriona nagsuot ng ‘basura’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *