Catriona DLSU cager ang bagong dyowa?

Mr. Universe na ang tawag sa basketball player ng DLSU na si Jordan Mejica Bartlett.

catriona dlsu cager ang bagong dyowa - Catriona DLSU cager ang bagong dyowa?
catriona 18 - Catriona DLSU cager ang bagong dyowa?

Mr. Universe na ang tawag sa basketball player ng DLSU na si Jordan Mejica Bartlett.

Nabulabog nga ang mga fan sa biglaang pag-post ng basketball player na ito ng photo na kasama si Miss Universe Catriona Gray.

At sa itsura ng photo, parang matagal na rin silang magkakilala, at mukhang kampanteng-kampante sa kanya si Catriona.

Ang daming tanong na nagsulputan. Sila na ba? Magdyowa ba sila? What’s the meaning of this???

“Omg anong ibihin sabihin nito siya naba ang nag papatibok sa puso ni queen cat!” ang isa sa mga tanong.

Heto naman ang caption ng Facebook page na Powerhouseph na kung saan ay una ko ngang nakita ang photo na ito nina Catriona at Jordan.

“I know same tayo ng tanong?! D ko rin alam ang sagot!

“JORDAN BARTLETT posted the first photo on his IG with a caption “(crowns emoji)”.

“For those who’s not familiar with the guy, basketball player po sya and playing for De La Salle Green Archers and also the Executive Director of PUSO (Purposeful Unconditional Service to Others) Foundation. He’s 22 years old and 5’11 tall. Fil-American. #CatrionaGray #JordanBartlett #MissUniverse2018 #MissUniverse #GreenArchers #UAAP #powerhousePH.”

May mga umalma lang sa itsura at suot ni Catriona sa photo na ‘yon.

Schel Bruno Peral, “Wait! What? Huhu. Cat’s clothes on that pic are not appropriate. Why would that guy upload it? Was he not thinking of any implications to the Queen?!?”

Heto naman ang sagot ng ibang netizen sa tanong ng marami:

Yay RasCan, “Sa mga curious alaga ni Ton Lao yung guy. At last night yan sa dinner ni Cat with Nicole, Ton and others.”

Wan Da, “Like nagkita lang sila sa derma clinic. di ba pd maging fan ang guy? Tagal na niyan jusko.”

Glenn Torres Pilapil, “There’s nothing wrong about it if they will become a couple. Cat’s reign is about to end in December or January.”

Well… (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *