Catriona, Clint isinangkot sa video scandal

Hay naku, iyan na nga ba ang pinag-uusapan namin last December when Miss Universe Catriona Gray spent her holidays in the country. May mga nagsasabi na kesyo problemadong-problemado raw ito sa posibleng pagpapakalat ng video nito kasama ang dating boyfriend na si Clint Bondad?

The post Catriona, Clint isinangkot sa video scandal appeared first on Abante News Online.

catriona clint isinangkot sa video scandal - Catriona, Clint isinangkot sa video scandal
catriona 4 1 - Catriona, Clint isinangkot sa video scandal

abante ambuzz ambet nabus 336x224 - Catriona, Clint isinangkot sa video scandalHay naku, iyan na nga ba ang pinag-uusapan namin last December when Miss Universe Catriona Gray spent her holidays in the country. May mga nagsasabi na kesyo problemadong-problemado raw ito sa posibleng pagpapakalat ng video nito kasama ang dating boyfriend na si Clint Bondad?

Kasabay ngang pumutok ang tsismis na iyan after mapabalitang naghiwalay na sila dahil nais ni Cat na mag-focus sa mga gawain niya bilang Miss Universe.

And heto na nga, kesyo may kumakalat daw sa social media na diumano ay video nila nu’ng mga panahong nagsasama sila bilang “partners.”
Hmmm…totoo ba ito o meron lang kung sino o mga tao o grupo na nais guluhin at siraan ang ating Miss Universe?

Eh, nu’ng i-search naman namin ang mga social media, wala naman kaming nakikita na lumalabas na ganiyan. At kung meron man, kaduda-duda naman ang itsura ng mga nasa video, ha!

Naku, pakulo lang siguro ito ng mga naiinggit kay Cat­riona? Kaloka, ha!

Matapos pumutok ang Loisa Andalio scandal, eto at meron umanong Catriona-Clint scandal. Hanobayeennn!!!

Basta ako, hindi ako kumbinsido na sila ‘yon, ha! Siguro, medyo kahawig ‘yung lalaki sa video na napanood ko, pero mukhang hindi talaga sila, lalo na ‘yung sa babae.

Arjo ayaw pag-usapan si Maine

“I am the wrong to person to ask,” sey ni Arjo Atayde hinggil sa reaksyon niya sa mga basher na tila walang kapaguran sa pamba-bash sa kanya dahil kay Maine Mendoza.

Wala raw siyang pakialam sa mga ito at ang ma­tindi pa, ni hindi na nga raw niya binabasa pa ang mga ito, kaya kahit ilang daang beses daw siyang tirahin o akusahan ng kung ano-ano sa social media, most likely ay mauuwi sa “sila-sila lang” ang lahat.

At ang bongga pa kay Arjo, talagang marespeto niyang pinakikiusapan ang mga kapatid sa hanapbuhay na mag-stick na lang sa isyu tungkol sa kanyang trabaho at mga ginagawa sa movies and TV, dahil aniya, “masaya ang aking personal life at sana kayo rin.”

Muling bibida ang ma­galing na aktor sa “Stranded” bilang leading man ni Jessy Mendiola na isa nga sa personal friends niya sa showbiz kaya’t napakasaya at madali lang daw ang naging trabaho nila.

Napaka-impressive ng trailer ng “Stranded” dahil very timely ang tema nito tungkol sa mga “baha.” Kung paano itong naging isang love story, iyan ang ating dapat na panoorin simula ngayong April 10, handog ng Regal Films under Direk Ice Idanan.

The post Catriona, Clint isinangkot sa video scandal appeared first on Abante News Online.

2 thoughts on “Catriona, Clint isinangkot sa video scandal

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *