Catriona bet sumali sa military

Sobrang patriotic talaga ni Miss Universe 2018 Catriona Gray. Sa kanyang pagbisita nitong Sabado sa general headquarters ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Camp Aguinaldo, QC ay inihayag niya na bukas siya sa pagsali sa military bilang reservists.

catriona bet sumali sa military - Catriona bet sumali sa military
abante Catriona - Catriona bet sumali sa military

Sobrang patriotic talaga ni Miss Universe 2018 Catriona Gray. Sa kanyang pagbisita nitong Sabado sa general headquarters ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Camp Aguinaldo, QC ay inihayag niya na bukas siya sa pagsali sa military bilang reservists.

“I’ll be open to it,” ani Queen Cat.

“I think [that] is something that you [should] definitely learn… in giving back to your country in that way,” dagdag pa niya.

‘Yun nga lang, hindi pa siya sure kung saang sangay sa military – Army, Navy o Air Force?
“I don’t know. I have to research first,” aniya.

Handa naman ang AFP na suportahan ang Pinay beauty queen sa kanyang mga adbokasiya, gaya ng edukasyon sa mga kabataan at women empowerment.

“So I’m really excited to pursue that in the future. I think it’s also inspirational for our Filipino youth to look up to military fi-gures especially female soldiers and see the duality of strength and softness and also to aspire to have that nationalistic spirit,” ani Catriona.

Ang mga reservist sa AFP ay ang mga pupuno sa kakulangan ng military sa tauhan at mga handang sumabak kung sakaling magka-giyera sa ibang bansa, rebelyon, malalang kalamidad at pagtulong sa socioeconomic development. (Jun Lopez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *