Catriona, Alex nagmadaling umuwi: ‘Walk of Fame’ binulabog ng ashfall

Ginanap nitong Linggo (Enero 12, 2020) ang “Walk of Fame” sa Eastwood City, na kung saan ay isang pagkilala na rin ito sa mga personalidad sa mga naiambag nila sa industriya.

catriona alex nagmadaling umuwi walk of fame binulabog ng ashfall - Catriona, Alex nagmadaling umuwi: ‘Walk of Fame’ binulabog ng ashfall
catriona x alex - Catriona, Alex nagmadaling umuwi: ‘Walk of Fame’ binulabog ng ashfall

Ginanap nitong Linggo (Enero 12, 2020) ang “Walk of Fame” sa Eastwood City, na kung saan ay isang pagkilala na rin ito sa mga personalidad sa mga naiambag nila sa industriya.

Nanguna rito sina Miss Universe 2018 Catriona Gray, kasama sina Kim Atienza, Fil-Am comedian Jo Koy, Broadway Star Rachelle Ann Go, singer and comedian Nanette Inventor, Journalist Jiggy Manicad, radio anchor Jun Banaag, actor Edu Manzano, vlogger host and actress Alex Gonzaga.

Sa ngayon, kabilang na ang kanilang mga pangalan sa 345 celebrity and personality na binigyan ng recognition sa Walk of Fame.

Kumpleto ang siyam na personalidad na dumalo para sa espesyal na kaganapan. Kasama pa nga ni Jo Koy ang binata niyang anak na proud na proud sa kanya. Samantala, ‘di maitatanggi ang kagalakan sa itsura nina Edu at Kim na talagang humiga pa sa sahig para magpa-picture na kasama ang pangalan nila sa Walk Of Fame.

Ang reyna naman na si Catriona Gray ay rumampa sabay nag-slow-mo twirl pa na naging signature rampa niya.

Matatagpuan ang hilera ng kanilang mga pangalan sa Citywalk sa bandang TGIF restaurant.

Dakong alas-otso sinimulan ang programa. Pero, saglit lang ito dahil nagmadali na ring umuwi ang mga personalidad dahil inabot na rin sa Eastwood ang ashfall dulot ng pagputok ng bulkang Taal.

Bagama’t hindi naman talaga masyadong nakasagap ng mga abo ang mga pinarangalan dahil nasa tent sila. ‘Yun nga lang, iba raw kasi talaga ang simoy ng hangin na masakit sa ilong. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *