Catriona agaw-eksena ang beauty sa US Awards

Ilang araw pa lang naka-kabalik ng Amerika si Miss Universe 2018 Catriona Gray mula sa ilang araw na trabaho niya rito sa Pilipinas (nag-shoot ng commercial, nagpasa ng korona, namigay ng biyaya sa mga organisasyon, charity), sabak na ulit siya sa eksena sa US.

The post Catriona agaw-eksena ang beauty sa US Awards appeared first on Abante News Online.

catriona agaw eksena ang beauty sa us awards - Catriona agaw-eksena ang beauty sa US Awards
ABANTE catriona 2 - Catriona agaw-eksena ang beauty sa US Awards

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Catriona agaw-eksena ang beauty sa US AwardsIlang araw pa lang naka-kabalik ng Amerika si Miss Universe 2018 Catriona Gray mula sa ilang araw na trabaho niya rito sa Pilipinas (nag-shoot ng commercial, nagpasa ng korona, namigay ng biyaya sa mga organisasyon, charity), sabak na ulit siya sa eksena sa US.

Makikita nga sa Instagram ni Catriona ang kaligayahan na kasama niya ang kapwa niya beauty queen na magiging mga presenter sa isang bonggang awards night doon, ang National Hockey League Awards, na ginanap sa Las Vegas, Nevada.

“My sister @chesliekryst and I will be presen-ting an award tonight at the #NHLAwards2019 #Miss-Universe #MissUSA @missuniverse,” sabi ni Catriona sa photo nila.

Of course, marami na naman ang pumuri sa kagandahan ni Catriona, na kahit ano nga ang isuot niya, kahit anong kulay pa man ‘yon, umaa-ngat talaga ang kagandahan niya. Sabi nga, nanggagaling kasi sa kaibuturan ng kanyang puso ang kabutihan niya, kaya lumalabas ang kagandahan sa kanyang mukha.

Naku, eh, base sa mga bibigyan ng awards sa NHL, puro makikisig at guwapong lalaki ang nandu’n, ha! I’m sure, mabibighani ang mga ‘yon sa kagandahan ni Catriona.

Eh sa mga naglabasan pa lang na mga video, lahat nga ay napapa-second look sa kagandahan ni Catriona sa event na ‘yon, ha!

Doon na kaya niya ma-hanap ang lalaking magpapatibok sa kanyang puso?

Glaiza liyamadong ‘best actress’sa Malaysia

Walang duda na mahusay na aktres si Glaiza de Castro. Kaya naman sa dinami-rami ng artista sa Pilipinas, si Glaiza ang napiling nominadong Best Actress para sa performance niya sa pelikulang “Liway” sa 3rd Malaysia Golden Global Awards. Sabi nga, malaki ang chance na maiuwi ni Glaiza ang tropeo, at malaking kara-ngalan ‘yon para sa bansa.

Nominado rin si Glaiza sa The Eddys ng SPEEd, na gaganapin sa July 14 sa New Frontier Theatre, Cubao, Quezon City, para sa pelikulang “Liway.” Kaya bongga talaga, ‘di ba?

At mas bongga dahil may bago na naman siyang pelikula, ang “My Letters To Happy,” na ipalalabas naman sa July 17.

Meanwhile, hindi rin nagpakabog ang isa pang Kapuso na si Dominic Roco, dahil hayun nga at nominado rin siyang Best Supporting Actor para rin sa pelikulang “Liway” sa 3rd Malaysia Golden Global Awards.
Bongga, ‘di ba?

Ashley, Miggs, Marika magpapasiklab sa ‘I-Bilib’

Mga Street Genius naman ang eeksena sa Linggo sa “I-Bilib.” Ang bongga nga na habang natututo ka tungkol sa science ay mag-i-enjoy ka pa rin sa mga ‘Street Genius’ na mga ito, ha!

Samahan na mag-experiment ang award-winning host na si Chris Tiu, pati na ang comedy duo na sina James and Roadfill ng Moymoy Palaboy, at ang mga talented young star na sina Miggs Cuaderno, Marika Sasaki, at Kapuso sweetheart Ashley Ortega.

Heto nga ang mga dapat sagutin. How many people can a mega-velcro hold?
What can you use to make ice cream in jiffy? What can you use to turn white paper to blue? Find out how in the blue paper experiment!

What can you use to build a table-top sized amusement ride? Discover the answer in the diy ferris wheel experiment!

Join Marika as she goes to Japan to discover what you can find in a café filled with man’s best friend in her dog café trivia! For huling hirit, Ashley shows us how to make a cute but healthy meal… the cauliflower sheep.
Remember, make your Sunday mornings more fun and educational with “I-Bilib”!

The post Catriona agaw-eksena ang beauty sa US Awards appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *