Carmina pinangarap pakasalan ni Keempee

Naging open na si Keempee de Leon sa pag-amin ng mga naging girlfriends niya sa showbiz.

The post Carmina pinangarap pakasalan ni Keempee appeared first on Abante News Online.

carmina pinangarap pakasalan ni keempee - Carmina pinangarap pakasalan ni Keempee
Untitled 4 26 - Carmina pinangarap pakasalan ni Keempee

Naging open na si Keempee de Leon sa pag-amin ng mga naging girlfriends niya sa showbiz.

Isa nga si Keempee sa mga guwapong aktor noong pumasok ito sa showbiz bilang teen actor noong ‘80s.

Kaya hindi nakakapagtaka na maraming aktres ang na-link sa kanya dahil kilabot nga itong si Kimpoy sa mga babae.

Sa kanyang interview sa Tonight With Boy Abunda inamin nito na nakarelasyon niya sina Carmina Villaroel, Vina Morales, Ara Mina, G. Toengi, Jessa Zaragosa, at Ina Raymundo.

Pinakamatagal daw ang relasyon niya kay Carmina at ito raw ang babaeng pinangarap niyang pakasalan.

Inamin din ni Keempee na kasalanan niya kung bakit sila naghiwalay noon.

Pero nakakapagtaka bakit hindi nabanggit ni Keempee na nakarelasyon din niya sina Manilyn Reynes at Aiko Melendez. Nag-claim naman noon si Geneva Cruz na nagkaroon sila ng short relationship ni Keempee.

Sa pagkakaalam din namin ay nanligaw din si Keempee kay Mikee Cojuangco pagkatapos nilang gawin ang pelikulang Nag-iisang Ikaw. (Ruel Mendoza)

The post Carmina pinangarap pakasalan ni Keempee appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *