Carmi Martin nagkadyowa ng bading

Ipinagtapat ni Carmi Martin na nagkaroon siya ng boyfriend na bading at niligawan na rin ng isang bakla.

carmi martin nagkadyowa ng bading - Carmi Martin nagkadyowa ng bading
carmi - Carmi Martin nagkadyowa ng bading

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 336x224 - Carmi Martin nagkadyowa ng bading

Ipinagtapat ni Carmi Martin na nagkaroon siya ng boyfriend na bading at niligawan na rin ng isang bakla.

Bahagi ng rebelasyon ni Carmi ang lalabas na pelikulang “Panti Sisters” kung saan siya ang gaganap na nanay nina Paolo Ballesteros at Martin Del Rosario, at stepmother naman ni Christian Bables. Mga bakla ang role ng tatlo sa nasabing movie na official entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

Ayon kay Carmi sa presscon ng PS, nang magbreak sila ng kanyang boyfriend, nabalitaan na lang niyang nagladlad na ito.

Ganundin sa kanyang manliligaw na binasted niya. Lumabas ang totoong gender preference nito nang ma-broken hearted sa kanya.

Naging super-friend raw ni Carmi ang dating kasintahan at suportado pa niya ang lahat ng kabadingan nito.

Hindi na pinangalanan ni Carmi ang dalawang baklang na-ugnay sa kanya sa hindi na niya sinabing rason.

Masaya si Carmi para sa dalawa dahil alam niyang happy sila sa kanilang piniling gender, lalo na ang dating kasintahan.

Sa ngayon, wala nang plano pang mag-boyfriend o magkaroon ng asawa ni Carmi. Aniya, tinul-dukan na niya ang ideyang ito.

Taliwas sa mga naniniwalang magiging kumpleto ang buhay ng isang babae ‘pag mayroon itong asawa, sa estado ng personal life ni Carmina ay kuntento siya sa pagiging single.

Gary V iniregalo sa nanay ni Rocco

Hindi na makakalimutan ng ina ni Rocco Nacino ang kanyang naidaos na 60th birthday ce-lebration kamakailan lang na ginawa sa Dusit Thani Hotel.
Si Gary Valenciano ang naging surprise guest sa okasyon, at kinantahan pa nito ang ina ng Kapuso actor.

Sa pasasalamat sa Instagram post ni Rocco para sa kaarawan ng kanyang mommy, sinabi nitong mas nadagdagan ang kasiyahan ng kanyang ina sa pre-sence at performance ni Gary V sa party.

Binanggit ni Rocco ang ama niya at ang kapatid na si Kyle na siyang nag-isip ng ideyang sorpresahin ang ina sa pagdating ng tinaguriang Mr. Pure Energy.

Saad naman ni Mommy Erlinda sa comment nito sa larawan nila ni Gary V. sa post ni Rocco, mas na-ging makahulugan ang kanyang 60th birthday sa pagdating ng singer-performer.

Pinasalamatan din nina Rocco at ng ina nito ang manager-wife ni Gary V na si Angeli Pangilinan.

Ejay nababaliw sa ganda ni Jana

Umaapaw sa pag-ibig ang puso ni Ejay Falcon sa kasintahan niyang si Jana Roxas.

Sa birthday greetings post ni Ejay sa kanyang Instagram para sa girlfriend, nagpahayag ng kanyang pasasalamat ang aktor sa pagdating ni Jana sa buhay niya.

Mababasa sa caption ang malaking pagmamahal ni Ejay kay Jana at ang kasiyahan niya sa piling nito.

@ejaythefalcon, “Salamat at dumating ka sa buhay ko. Di man tayo perpekto, Ang importante masaya tayo. Happy Birthay M. Mahal kita.”

Nakabalandra sa IG wall ni Ejay ang larawan nilang dalawa ni Jana at isang solo photo ng huli.

Hindi naman kataka-takang mahumaling si Ejay sa kasintahan dahil sa kagandahan nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *