Carlo, Maine masipag mag-promote

Carlo, Maine masipag mag-promote

Alam mo, Dondon, ang sipag-sipag mag-promote nina Maine Mendoza at Carlo Aquino ng Black Sheep/APT Entertainment movie nila na “Isa Pa, With Feelings”.

carlo maine masipag mag promote - Carlo, Maine masipag mag-promote
carlo aquino x maine mendoza - Carlo, Maine masipag mag-promote

Jun Lalin Anything Goes 21 336x224 - Carlo, Maine masipag mag-promoteAlam mo, Dondon, ang sipag-sipag mag-promote nina Maine Mendoza at Carlo Aquino ng Black Sheep/APT Entertainment movie nila na “Isa Pa, With Feelings”.

Kahapon, magkasama sila sa “Eat Bulaga” at naka-tatlong mall shows sila, ngayon naman, hiwalay muna sila sa TV dahil nasa “Sunday PinaSaya” si Maine at nasa “ASAP Natin ‘To” naman si Carlo at magkikita na lang sila sa SM Novaliches ng 4:00PM at dederetso na sa Starmall sa San Jose del Monte, Bulacan.

Sa Wednesday na kasi ang showing ng pelikula, kaya double-time na sila sa promotions.

Na-happy rin ang mga fan dahil nakita nga si Maine sa ilang shows ng ABS-CBN na noon ay parang imposible talagang mangyari at mabuti na nga lang at nag-co-produced ang Black Sheep ng Kapamilya network at APT Entertainment, ‘noh?!

Sa Tuesday nga pala ang premiere night ng “Isa Pa With Feelings” at asahang maraming taga-Kapamilya at Kapuso networks na pupunta roon.

Bukas nga pala ay iri-review na ng mga taga-CEB (Cinema Evaluation Board) ang pelikula nina Maine at Carlo at ang ibang mga intrigero’t intrigera ay siguradong inaabangan na kung ano ang magiging grade nito.

Bianca Manalo, Win Gatchalian bagay sa isa’t isa

Alam mo, Dondon, ke umamin na nga ba o hindi si Bianca Manalo tungkol sa relasyon nilang dalawa ni Senator Win Gatchalian ay parang hindi na naman mahalaga pa.

Ang mga kaibigan naman kasi nila ang nagkukuwento na talagang may relasyon silang dalawa, huh!

May iba nga na nagsasabing mukhang serious ang relasyon ng dalawa.

Sabi pa ng iba, hindi sila magtataka kung mauwi sa kasalan ang relasyon nina Bianca at Sen. Win.

Bagay naman talaga silang dalawa.

So, sana maging open na nga sila na pag-usapan ang sinasabing relasyong namamagitan sa kanilang dalawa, huh!

Noong Friday night ay may meeting pala dapat ang isang aktor sa isang top movie producer.

Hindi natuloy ‘yon dahil nagkasakit si top movie producer.

Pag-uusapan kaya ng dalawa ang balik-tambalan ng aktor sa isang aktres?

‘Yun kaya ‘yon?

Well…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *