Carlo inilantad ang anak kay Trina

Uso ang ‘bulagaan’ ngayon sa socmed. Uso ang mga pasabog ng mga artista.

The post Carlo inilantad ang anak kay Trina first appeared on Abante.

carlo inilantad ang anak kay trina - Carlo inilantad ang anak kay Trina
Carlo Aquino - Carlo inilantad ang anak kay Trina

dondon sermino 7 - Carlo inilantad ang anak kay TrinaUso ang ‘bulagaan’ ngayon sa socmed. Uso ang mga pasabog ng mga artista.

Matapos ang bonggang pag-amin (although sa chika namin kay Markus Paterson noon sa isang presscon ay inamin na niya ang relasyon nila ni Janella Salvador) nina Janella, Markus, si Carlo Aquino naman ang may paandar, ha!

Inilantad nga ni Carlo na isa na siyang ama, at kapapanganak lang ng kanyang dyowa na si Trina Candaza, ha!

“You can thank your stars all you want, but I’ll always be the lucky one – Blanco Enola Mithi Aquino @trinacandaza,” caption niya sa photo ng kanyang baby.

Siyempre, umulan ng pagbati mula sa mga kaibigan niya sa showbiz.

***

Zia Dantes super kilig kay Sarah

Fan na fan pala si Zia Dantes ng ‘Tala’ ni Sarah Geronimo. Chika ni Marian Rivera, bet na bet ng anak niya ang magsayaw ng Tala.

At sa isang beses na nagsayaw ito ay na-video at ipinadala sa kaibigan, na malapit kina Sarah at Matteo Guidicelli.

Kaya si Sarah, naaliw, at agad-agad din na nag-video at binati si Zia, na ang husay-husay nitong magsayaw ng Tala.

Siyempre, gulat na gulat, kilig na kilig, at hindi makapaniwala raw si Zia na kilala siya ni Sarah. Tuwang-tuwa nga ang panganay ni Dingdong Dantes na binati siya ni Sarah, ha!

Well, sabi ni Marian, hindi raw aware si Zia na sikat ito. Minsan nga raw ay nagugulat pa ito kapag binabati, o kinakawayan siya ng mga tao.

***

Bela dawit sa ‘fake news’ kina Angel, Neil

Walang kamalay-malay si Bela Padilla na dinadawit siya sa ‘fake news’ kina Angel Locsin at Neil Arce, ha! May mga YouTube channel na nagbabalita na kesyo tinalakan ni Bela si Angel, na tigilan na nito si Neil, dahil siya na ulit ang mahal nito.

Kaloka ang mga inimbentong kuwento ng ibang vlogger, ha! Hindi kaya siya nahihiya, o nakukunsensiya man lang, na may mga buhay silang sinisira, o samahan na ginagawan ng away?

Eh, hanggang kanina, habang sinusulat ito, makikita naman na sobrang happy sina Angel at Neil. Na si Neil pa ang panay ang post sa kanyang instagram story ng mga photo, ganap ni Angel, ha!

So, sana lang, mahiya ng konti ang ibang vlogger, na dahil sa datung, gumagawa ng kasinungalingan. Bet mo bang kumain, o ipakain sa pamilya mo, ang mga galing sa kasinungalingan mo?

The post Carlo inilantad ang anak kay Trina first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *