Carlo hinamon ang mga supporter ni Angelica

Hindi nakatulong ang pagsasalita ni Carlo Aquino via social media upang ipagtanggol ang kanyang rumored girlfriend na si Trina Candaza sa bashers.

The post Carlo hinamon ang mga supporter ni Angelica appeared first on Abante News Online.

carlo hinamon ang mga supporter ni angelica - Carlo hinamon ang mga supporter ni Angelica
ABANTE carlo - Carlo hinamon ang mga supporter ni Angelica

By Ruel Mendoza

‘Sa akin kayo magalit’

Hindi nakatulong ang pagsasalita ni Carlo Aquino via social media upang ipagtanggol ang kanyang rumored girlfriend na si Trina Candaza sa bashers.

Marami­ng­ netizens ang nagsabi na masyado na raw late na nag-explain si Carlo sa kanyang naging issue na may kinalaman sa aktres na si Angelica Panganiban.

Tumahimik lang si Carlo at inabot ng dalawang buwan bago nagsalita na pinost niya sa kanyang Instagram account noong nakaraang June 1.

“Walang ibang may kasalanan kung hindi AKO. Sorry sa lahat ng ginawa ko.
“Kung magagalit kayo. Sa akin kayo magalit. Hindi sa ibang tao. Hindi kay Trina kay Mets kay Josh o kay Khang. Sa akin. Dahil ako ang nagdesisyon.”
“Huwag niyo na po idamay ang ibang tao dahil wala silang kasalanan. Lahat ng galit ninyo tatanggapin ko pero huwag niyo lang ipasa sa ibang tao dahil wala silang ginawa.”

Kung matatandaan ay nag-emote si Angelica tungkol sa hindi magandang pangyayari ulit sa kanyang buhay at may kinalaman dito si Carlo. Muling na-heartbroken si Angelica dahil pinaasa lang daw siya ni Carlo na may tinatago palang non-showbiz girlfriend.

Inakala ng fans nila na CarGel na magkakaroon ng balikan ang dalawa sa totoong buhay dahil naging hit ang kanilang pelikula na “Exes Baggage” at nagkasama pa sila sa teleserye na “Playhouse.”

Pero, biglang in-unfollow ni Angelica si Carlo sa IG afetr kuma­lat ang naturang photo.

The post Carlo hinamon ang mga supporter ni Angelica appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *