Cardo-Alyana theme song mapanakit, puno ng bubog

Isang bago at makabag-damdaming theme song na inawit ni Gary Valenciano ang magdadagdag ng kulay at emosyon sa hamong haharapin ng mag-asawang Cardo (Coco Martin) at Alyana (Yassi Pressman) sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”

The post Cardo-Alyana theme song mapanakit, puno ng bubog first appeared on Abante.

cardo alyana theme song mapanakit puno ng bubog - Cardo-Alyana theme song mapanakit, puno ng bubog
abante yassi coco - Cardo-Alyana theme song mapanakit, puno ng bubog

Isang bago at makabag-damdaming theme song na inawit ni Gary Valenciano ang magdadagdag ng kulay at emosyon sa hamong haharapin ng mag-asawang Cardo (Coco Martin) at Alyana (Yassi Pressman) sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Inilabas kamakailan ang bersyon ni Gary V ng “Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin,” ang ikaapat na kantang inawit niya para sa serye. Ito na ang bagong awiting ilalapat sa mga eksena ng “CarYana” at magsisilbing sigaw ng mga puso nilang nagmamahalan, sa kabila ng masasamang plano at patuloy na pang-aakit ni Lito (Richard Gutierrez) kay Alyana.

“Mapanakit ang kanta ni Gary V para sa CarYana at para sa aming nagmamahal sa kanila, pero tiwala pa rin kami at the end,” sabi ni @presyjp sa Twitter.

Para naman kay @Ay_Em_JP: “Masakit na ‘yung kanta, tapos lalo pang sumakit sa version ni Gary V. Nang-iiwan ng bubog ‘yung version.”

Sa kabila ng matibay na relasyon ng mag-asawa, walang kamalay-malay si Cardo na unti-unting napapalapit si Lito kay Alyana matapos niya itong gawing business partner na mamumuno sa isang malaking proyekto.

Tuluyan na kayang mahulog si Alyana sa patibong ni Lito? Hanggang kailan mabubulag si Cardo ng ipinapakitang kabutihan ng bago niyang kaagaw sa puso ng asawa?

Mapapanood na rin ang bagong pagsubok ng CarYana sa A2Z channel 11 analog TV simula Lunes (Oktubre 12). (Dondon Sermino)

The post Cardo-Alyana theme song mapanakit, puno ng bubog first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *