Captain Marvel, Elijah nahuling naglalaplapan

Naka-move on na ang Oscar winner at Marvel film actress na si Brie Larson mula sa ex-fiancé nitong si Alex Green­wald. Six months din ang hinintay ni Brie bago ito nakahanap ng bagong mamahalin at ito ay ang virtual rea­lity director na si Elijah Allan-Blitz.

captain marvel elijah nahuling naglalaplapan - Captain Marvel, Elijah nahuling naglalaplapan
ABANTE Elijah Allan Blitz - Captain Marvel, Elijah nahuling naglalaplapan

Naka-move on na ang Oscar winner at Marvel film actress na si Brie Larson mula sa ex-fiancé nitong si Alex Green­wald. Six months din ang hinintay ni Brie bago ito nakahanap ng bagong mamahalin at ito ay ang virtual rea­lity director na si Elijah Allan-Blitz.

Nakunan nga sina Brie at Elijah na naghahalikan sa isang aisle ng grocery store sa Calabasas, California.

Bago naging direktor, naging aktor din si Elijah at lumabas ito “The Shield”, “Full Ride” and “In This Life”. Na-link naman ito dati sa aktres na si Maria Bello.

Sa isang interview sa “Captain Marvel” star ng People noong January 2019, sinabi nito na close friends pa rin sila ng kanyang ex-fiancé at pina-follow pa rin nila ang isa’t isa sa Instagram.

Huling nakitang magkasama sina Brie at Alex noong red carpet premiere ng “Avengers: Infinity War” noong 2018.

Naging constant compa­nion ni Brie si Alex sa lahat ng Hollywood events nito, kabilang na ang Oscar at Golden Globes kunsaan nanalo si Brie ng best actress for “The Room” in 2016. (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *