Calle Victoria paborito ng mga millennial

Calle Victoria paborito ng mga millennial

Musika talaga ang isa sa mga bumubuhay sa bawat Pilipino, kaya’t tuwing may mga bagong banda o ‘di kaya nagbabalik na banda ay mainit na tinatanggap ng mga listener.

calle victoria paborito ng mga millennial - Calle Victoria paborito ng mga millennial
calle victoria - Calle Victoria paborito ng mga millennial

Musika talaga ang isa sa mga bumubuhay sa bawat Pilipino, kaya’t tuwing may mga bagong banda o ‘di kaya nagbabalik na banda ay mainit na tinatanggap ng mga listener.

Kaya naman heto nga ang bandang Calle Victoria at hindi mapigilan ang pagsikat dahil marami na agad ang na-LSS sa kanilang first single na “Bawat Sandali” na mapapakinggan ngayon sa mga radio station at Spotify.

Si Vix Medina ang bokalista ng naturang banda na siya ring bumuo o sumulat ng kantang iyon. Kung pakikinggan nga ang kanilang first single ay talagang ‘di makakaila na marami ang makaka-relate lalo na ang mga millennial.

Ang totoo niyan, kolehiyo pa lamang sila nang mabuo ang bandang Calle Victoria pero dahil sa maraming ibang mga bagay na kanilang pinagkakaabalahan, namahinga muna ang banda kahit panandalian lamang, at sa kanilang pagbabalik nga ay inawitan nila ang mga fan ng kanilang first single na “Bawat Sandali”. Muli ring binuhay ni Vix at ng kanyang original na gitarista na siyang puso rin ng banda na si David Deano.

Mayroon ding mga bagong miyembro ng banda na kilala at respetadong musikero sa industriya ng bansa na magdadagdag flavor sa kanilang mga awit, ‘yan nga ay sina Jazon Valencia (rhythm guitars), Ramil Servales (bass guitars), Rico Evangelio (keyboards) at Benedict Esguerra (drums).

Sa susunod naman nilang single ay mapapakinggan ang kantang pinamagatang “Pangako Mo”.

Kung nagustuhan nga ang naunang single na “Bawat Sandali”, aba’y malamang ay kaabang-abang din ang next single nila na “Pangako Mo”. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *