Buto’t balat na Celine Dion kinatatakutan

Ito ang ‘di napigilang comment ng isang fan sa award-winning singer na si Celine Dion sa viral nitong litrato.

The post Buto’t balat na Celine Dion kinatatakutan appeared first on Abante News Online.

butot balat na celine dion kinatatakutan - Buto’t balat na Celine Dion kinatatakutan
celine - Buto’t balat na Celine Dion kinatatakutan

“My God she looks scarily thin!”

Ito ang ‘di napigilang comment ng isang fan sa award-winning singer na si Celine Dion sa viral nitong litrato.

Kahit na center of attraction pa rin ang 51-year-old French-Canadian singer sa ginanap na Couture Week sa Paris kailan lang at kahit na pinatunayan nitong forever pa rin siyang style icon ay agaw-pansin pa rin ang mala-buto’t balat na nitong katawan.

Binahagi ng Vogue Australia ang ilang picture ng pagrampa ng international singer habang suot ang Iris van Herpen outfit during fashion week. Marami naman ang nag-like pero marami rin ang sobrang nag-aalala sa pagbagsak ng katawan nito.

“She looks way too thin,” saad ng isang nag-aalalang fan. “Very underweight,” saad ng isa pa habang “not nice Vogue Australia,” p­rangkahan namang pangsang-ayon ng isa.

Magugunitang bago pa nilait-lait ngayon ang nagpasikat ng kantang ‘My heart will go on’ ng pelikulang Titanic ay bumuhos na rin ang negatibong pagpuna at kritisismo kay Celine sa kumalat nitong instagram photos noong February sa very obvious at mala-bangkay na nitong figure.

Walang pakialam at mataray naman niyang sinagot ang mga ito ng “If you like it, I’ll be there.

“If you don’t, leave me alone,” aniya pa habang proud na sinabing ginawa daw niya iyon para sa sarili niya. (Aivan Episcope)

The post Buto’t balat na Celine Dion kinatatakutan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *