Burarang female personality hiniwalayan ni mister

Ang mga kuwentong pitik-bulag na mababasa n’yo ay galing sa mga dating kasambahay ng isang pamosong female personality.

The post Burarang female personality hiniwalayan ni mister appeared first on Abante News Online.

burarang female personality hiniwalayan ni mister - Burarang female personality hiniwalayan ni mister
abante female personality - Burarang female personality hiniwalayan ni mister
abante give me 5 cristy fermin 336x224 - Burarang female personality hiniwalayan ni misterAng mga kuwentong pitik-bulag na mababasa n’yo ay galing sa mga dating kasambahay ng isang pamosong female personality.

Naganap ang lahat nu’ng nagsasama pa sila ng kanyang kilala ring mister.
Pero hiwalay na sila, napawalang-bisa na ang kanilang kasal, matagal na silang parehong malaya. Maraming kuwento ang aming mga impormante tungkol sa dating mag-asawa lalo na sa female personality.

Kuwento ng aming source, “Naku, nakakaawa naman pala si mister nu’ng magkasama pa sila ng wife niya! Masipag daw si mister, samantalang si misis, e, may katamaran!

“Ni hindi pala niya ipinagluluto ang mister niya, samantalang napakadaling  pakainin ng taong ‘yun! Hamburger at hotdog lang, okey na okey na ang mister niya, dahil la-king-ibang bansa naman ‘yun!
“Saka kung very organized si mister, e, ‘yun naman pala ang pagiging burara ng girl! Kapag nagbibihis pala siya ng pambahay mula sa trabaho niya sa kung saan, e, para lang siyang ahas na naghuhunos!

“Basta ibabagsak lang niya ang isinuot niyang damit sa floor, ang husband pa niya ang nagliligpit! Ganu’n kuno ang girl, daig na daig pa ng dati niyang mister pagdating sa kaayusan ng kuwarto nila!” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Palagi palang pinagtatalunan ng dating mag-asawa ang bagay na ‘yun, malinis kasi at organisado ang male personality, pero napakaburara naman ng girl.

Balik-kuwento ng aming source, “Kaya ayun, nakakita si mister ng babaeng maayos sa pamumuhay. Organized ding tulad niya, masipag, kahit pa career woman din naman ‘yun. Napakalayo nu’ng girl kumpara sa kanya na palagi lang nakahiga, nanonood ng TV, ganern!

“Lumaki kasi ang girl na ito na may yaya, spoiled siya, maaabot na niya, e, ipaaabot pa niya sa yaya niya! Dala-dala niya ‘yun hanggang nu’ng mag-asawa na siya!
“Matiyaga pa nga ‘yung male personality dahil nakailang taon din sila! Natiis pa rin siya ng partner niya, sa totoo lang!” pagtatapos ng a­ming impormante.
***

Robin tulay ng ABS-CBN sa Palasyo

Natural lang na naliligalig ang mga artistang nagtatrabaho sa ABS-CBN dahil sa wala pang katiyakang magiging kapalaran ng network sa darating na Marso.

Hanggang ngayon ay mainit pa rin ang Pangulo sa istasyon, sa mga pagtatalumpati ng Presidente ay palagi nitong inilili-tanya ang hindi pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN, lumilipad pa naman nang napakabilis ang panahon.

Napakalaking butas ang iiwanan ng network kapag nangyari ang hindi pagre-renew sa kanilang lisensiya-prangkisa sa darating na Marso, napakala-king kawalan ng network para sa ating mga manonood, lalo na para sa mga kababayan nating sa ABS-CBN tumututok.

Napakaraming mawawalan ng trabaho. Sangkatutak na artista ang matetengga sa kawalan ng proyekto. Hindi lang siyempre ang may-ari ng istasyon at ang mga ehe-kutibo ng kumpanya ang ninenerbiyos na ngayon pa lang kung magaganap ang ayaw nilang mangyari kundi pati ang mga emple-yado at mga artistang kontratado ng network.

Harinawang malampasan ng network ang matinding problemang ito, makabuo sana sila ng tulay na magtatawid sa kanila sa paghamong ito, para hindi malagay sa alanganin ang pamumuhay ng mga nagtatrabaho sa network.

Siguradong may mga namamagitan naman sa network at sa pangulo, balitang-balita nga na si Robin Padilla ang emisaryo ng Dos para makakuha sila ng prangkisa, harinawang may positibong resulta ang lahat.
Kapag nawala sa himpapawid ang ABS-CBN ay hindi na masigla at produktibo ang mundo ng telebisyon. Meron nang malaking kulang, meron nang butas, hindi na kumpleto ang kasaysayan ng telebisyon sa Pilipinas.

The post Burarang female personality hiniwalayan ni mister appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *