Bumida sa int’l fashion website: Janine hindi nagpatalo kay Heart

Hindi nagpakabog si Janine Gutierrez kay Heart Evangelista (pasok sa 10 fashion influencer sa Forbes France).

The post Bumida sa int’l fashion website: Janine hindi nagpatalo kay Heart first appeared on Abante.

bumida sa intl fashion website janine hindi nagpatalo kay heart - Bumida sa int’l fashion website: Janine hindi nagpatalo kay Heart
Janine Gutierrez - Bumida sa int’l fashion website: Janine hindi nagpatalo kay Heart

FINAL columnists OH Laban ka rey pumaloy 1 1 300x180 - Bumida sa int’l fashion website: Janine hindi nagpatalo kay HeartHindi nagpakabog si Janine Gutierrez kay Heart Evangelista (pasok sa 10 fashion influencer sa Forbes France).

Nakaposte sa Instagram ni Janine ang larawan niya suot ang butter yellow, green ensemble outfit oversize coat. Na-feature sa Women’s Wear Daily ang nasabing outfit ni Janine na suot niya noong dumalo siya sa Paris Fashion Week last year.

Ang WWD ay isang international fashion website for women na nagpi-feature ng mga update sa fashion style sa buong mundo.

Sa IG ni Janine at sa feature ng WWD ay napapagitnaan si Janine ng dalawang International star na kabog din ang mga gown na suot.

Zsa Zsa ‘yayamanin’ ang farm

‘Yayamanin’ ang puwedeng ibansag kay Zsa Zsa Padilla ngayong tapos na ang interior nang ipinagawa niyang farm sa Quezon, ang Casa Esperanza.

Hindi napigilang humanga ng mga netizen sa ilang mga larawang ibinahagi ng singer-actress na kuha sa dalawang bahagi ng mga rest house sa kanyang Instagram.

Pang architectural digest ang set-up ng mga design sa living room ng main rest house sa farm na nilagyan pa ng grand piano.

Ganun din sa masters’ bedroom na napakaganda at nakakaenganyong magpahinga dahil sa interior design dito.

Sinasabi nga, parang wala sa probinsya at nasa Forbes Park ang interior set up sa farm ni Zsa Zsa sa ganda at mamahaling mga gamit dito.

Well, isa sa pinakamahusay na architect lang naman ang fiancé nito na si Conrad Onglao. Mapapanood ang tour sa main house ni Zsa Zsa sa kanyang YouTube channel.

Bernal sabik sa landian, halikan

Siyam na buwan na ngang tigang si Kris Bernal sa halik ng kanyang fiancé na business partner niya at chef din. Ibinahagi ni Kris sa pinoste niyang larawan nila ng boyfriend na magkaharap sila sa isang dine-in table, na hindi nga sila nagtatabi at naghahalikan.

Sabi ni Kris, mula noong mag-lockdown at mag-GCQ dahil sa COVID-19, hindi na siya nakatikim ng halik sa boyfriend.

Deadma lang naman daw ang boyfriend sa panunukso niya.

Lumalabas na praning at sobra sa pag-iingat ang dyowa ni Kris laban sa virus, kaya nagawa nitong tiisin na hindi sila maglambingan.

Tila si Kris ang sabik na sabik sa dyowa dahil siya ang naghahanap ng landian dito.

***

Lacson lalake ang susunod na anak kay Iwa

Lalake ang magiging susunod na kapatid ni Thirdy, ang anak ni Jodi Sta. Maria sa dating asawa na si Pampi Lacson. Sa Instagram ni Iwa Moto ng kanyang pagdadalantao, ibinalita niyang lalake ang isisilang niya.

Si Iwa ay live-in partner ni Pampi, na anak ni Sen. Panfilo Lacson.

Babae ang una nilang anak na si Mimi.

Ngayong nagbibinata na si Thirdy, may baby boy namang hahalili sa kanilang pamilya.

Ideal ang tingin ng mga netizen sa klase ng samahan nina Iwa at Jodi.

Malapit kay Iwa si Thirdy at itinuturing niya itong anak.

The post Bumida sa int’l fashion website: Janine hindi nagpatalo kay Heart first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *