‘Bukol King’ pinagkaguluhan sa ‘StarStruck’

Finally ay ipinakilala na sa mga showbiz reporter ang 14 finalist ng “StarStruck 7.” Nauna na ngang pina-presscon sina Cherie Gil, Heart Evangelista at Jose Manalo, na siyang pipili kung sino-sino ang Male and Female Ultimate Survivors.

The post ‘Bukol King’ pinagkaguluhan sa ‘StarStruck’ appeared first on Abante News Online.

bukol king pinagkaguluhan sa starstruck - ‘Bukol King’ pinagkaguluhan sa ‘StarStruck’
ABANTE kerrick - ‘Bukol King’ pinagkaguluhan sa ‘StarStruck’

abante talbog joe barrameda 336x224 - ‘Bukol King’ pinagkaguluhan sa ‘StarStruck’

Finally ay ipinakilala na sa mga showbiz reporter ang 14 finalist ng “StarStruck 7.” Nauna na ngang pina-presscon sina Cherie Gil, Heart Evangelista at Jose Manalo, na siyang pipili kung sino-sino ang Male and Female Ultimate Survivors.

Ngayong weekend ay mag-uumpisa na ang unang casualty sa grupo. Ang mga female finalist ay sina Pamela Prinster na taga-Colorado USA na may American father; Dani Porter from QC na may American father din; Angelic Guzman na taga-Laguna; Lexi Gonzales from Sampaloc, Manila na kamukha ni Katrina Halili; Shayne Sava na taga-Binangonan na hikahos na kinailangan pa nilang manghiram ng pamasahe para makara-ting lang sa GMA; Ella Cristofani from Pateros na may Italian father; at Rere Madrid na kapatid ng aktor na si Ruru Madrid at taga-Marikina.

Ang mga male finalist naman ay pinangungunahan ni Jerick Dolormente na taga-Camarines Sur na naging kontrobersiyal agad dahil sa mga sexy post nito sa social media at binansagan na “Bukol King.” Aminado naman ang bagets at wala naman daw siyang ipinapahiwatig sa mga post na ‘yun at agad niyang pinagbubura nang mapasama siya sa Top 14. Bukod sa kanya ay sina Karl Aquino from Cavite na member ng boyband na Clique 5; Abdul Rahman from Marikina na may Egyptian father na marami agad fans dahil sa kaguwapuhan nito; Kim de Leon from Batangas; Gelo Alagban from Iloilo na miyembro din ng Clique 5; Jeremy Sabado from Laguna na inampon ng isang bading kasama ang iba pang kapatid; at Allen Ansay na taga-Camarines Sur din.

Nakakatuwa ang presscon sa mga sagot ng bawat isa na may kanya-kanyang hanash sa buhay. Si Rere ang pinuputakti ng mga kasamahan sa panulat since kapatid ng hunk na si Ruru. Pilit hinuhuli nila si Rere sa love life ng kapatid pero mailap ang una.

Aminado si Rere na balak din niyang pasukin ang mga beauty contest since bagay naman sa kanya at marami ang nagsasabi sa kanya na beauty queen material siya.

***

Marian tutok sa pagpapadede kay Ziggy

Balik sa pagiging sexy si Marian Rivera matapos ipanganak ang second baby nila ni Dingdong Dantes na si Ziggy. Sa renewal ng Kultura ay nakita ng marami ang kaseksihan ni Marian, kaya dinumog talaga siya ng mga shopper sa SM Megamall noong Martes nang hapon.

Busy ngayon si Marian sa pag-aalaga at pagpapasuso sa anak at mabuti na lang, nabiyayaan siya ng mara-ming gatas. Kaya hindi siya puwedeng mag-diet muna at kailangan ng gatas ang bagong silang na anak.

The post ‘Bukol King’ pinagkaguluhan sa ‘StarStruck’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *