Buking sa video: Kim, Xian magkasama sa kuwarto

Si Xian Lim ang videographer sa room tour vlog ni Kim Chiu sa kanyang YouTube channel. Ipinakita ni Kim ang kanyang accommodation sa taping nila ng “Love Thy Woman”, at dahil naririnig paminsan-minsan ang boses ni Xian, at nahuli ito ng kamera, nalantad na ito ang nag-video ng vlog ng kasintahan.

buking sa video kim xian magkasama sa kuwarto - Buking sa video: Kim, Xian magkasama sa kuwarto
abante xian - Buking sa video: Kim, Xian magkasama sa kuwarto

Si Xian Lim ang videographer sa room tour vlog ni Kim Chiu sa kanyang YouTube channel. Ipinakita ni Kim ang kanyang accommodation sa taping nila ng “Love Thy Woman”, at dahil naririnig paminsan-minsan ang boses ni Xian, at nahuli ito ng kamera, nalantad na ito ang nag-video ng vlog ng kasintahan.

Walang mga personal assistant na kasama ang dalawa sa taping bilang pag-iingat sa COVID-19, kaya sila ang nagtulungang maitawid ang vlog ng aktres.

Kitang-kita rin na sariling-sikap si Kim sa taping. Siya mismo ang nag-aasikaso ng mga kailangan niya. Siya ang nagluluto, naglalaba, naghuhugas ng pinggan, at siya rin ang nagmi-make up sa sarili niya.

At kahit ang pagba-vacuum ng kama niya ay siya rin ang gumagawa.

Gumawa rin ng sariling altar si Kim sa hotel room niya, at gabi-gabi ay nagrorosaryo siya.

Hindi na nagtanong ang mga fan kung magkasama ba sina Kim at Xian sa isang kuwarto. (Rey Pumaloy)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *