Buboy walang ‘K’ sa Bebot crown – Wally

Inaabangan ng marami ang magiging showdown sa pagandahan at talent nina Kidney Spears at Blackylou para sa korona ng Bebot 2019.

buboy walang k sa bebot crown wally - Buboy walang ‘K’ sa Bebot crown – Wally
ABANTE buboyvillar - Buboy walang ‘K’ sa Bebot crown – Wally

Inaabangan ng marami ang magiging showdown sa pagandahan at talent nina Kidney Spears at Blackylou para sa korona ng Bebot 2019.

Noong nakaraang August 10, tinanghal na grand winner ng Bebot 2019 si Buboy Villar bilang si Kidney Spears kunsaan tinalo niya ang iba pang hunks tulad nina Edgar Allan Guzman aka J.Low Blood (1st runner-up), Clint Bondad aka Shakira Brown (2nd runner-up), Paul Salas aka Lisa Mauban, Mico Aytona aka Beyoncé Knows Best, Jak Roberto aka Nancy Langka, Kristoffer Martin aka Ariana Engrande, Jason Abalos aka Selena Stop and Gomez, Manolo Pedroso aka Lady Baga at Carlos Agassi aka Katy Perry Christmas na nagpaka-drag queen para sa naturang contest ng “Eat Bulaga”.

Napanalunan ni Buboy ang cash prize na P100,000 plus gift certificates.
Muling nanggulo si Blackylou (Wally Bayola) dahil hindi niya matanggap na nanalo si Kidney Spears. Sa apat na taong pagsali raw niya sa Bebot ay never siyang nabigyan ng chance na mapanalunan ang korona. Kaya naman pinoprotesta niya ang pagkapanalo ni Kidney Spears.

Para tumigil lang ang pagnga­ngawa ni Blackylou, bibigyan siya ng pagkakataon na mag-showdown sila ni Kidney Spears para sa korona ng Bebot 2019.
Pumayag dito si Blackylou at hindi naman siya uurungan ni Kidney Spears na papatunayan na deserve niya ang korona.

Sey ni Blackylou: “Ladies and gentlemen, wait for it. I go for it!”
Sagot naman ni Kidney Spears: “I was always born to be ready!”
Simula pa noong magkaroon ng Bebot contest ang “Eat Bulaga” noong 2005, contestant na si Blackylou, pero lagi siyang talunan.

Ang past winners ng Bebot ay sina Paolo Ballesteros as Precious Paola Nicole Ballesteros (2005); Mark Herras as Chennylyn Mercado (2006); Vandolph Quizon as Alma Mother (2007) at Baron Geisler as Ba­roness D’ Goddess (2010).

(Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *