‘Bromance’ nina Gino, Sky benta sa mga netizen

Hindi na matigil ang mga usap-usapan sa online world sa bagong adult housemates ni Kuya sa “PBB Otso.” Unang gabi pa lang sa loob ng bahay ni Kuya, trending na agad ang beauty ng taga-New Zealand na si Franki Russell at ng taga-Taguig naman na si Diana Mac-key.

The post ‘Bromance’ nina Gino, Sky benta sa mga netizen appeared first on Abante News Online.

bromance nina gino sky benta sa mga netizen - ‘Bromance’ nina Gino, Sky benta sa mga netizen
pbb - ‘Bromance’ nina Gino, Sky benta sa mga netizen

Hindi na matigil ang mga usap-usapan sa online world sa bagong adult housemates ni Kuya sa “PBB Otso.” Unang gabi pa lang sa loob ng bahay ni Kuya, trending na agad ang beauty ng taga-New Zealand na si Franki Russell at ng taga-Taguig naman na si Diana Mac-key.

Ayon sa manonood, may pagkahawig si Franki kay Kristine Hermosa.

Mas umugong pa ang usap-usapan noong nag-swimming ang mga housemate suot ang kanilang mga swimming attire. Para sa kanila, halos lahat sila ay may K maging modelo lalo na sina Argel Baisanon, Akie Poblete, Gino Roque IV, at Sky Quizon.

Layag na layag na nga rin sa Twitter ang namumuong bromance sa pagitan nina Gino at Sky.  GinSky na nga ang tawag ng mga Kapamilya sa kanilang dalawa at tuwang-tuwa ang mga ito tuwing nagkakaroon ng moment ang dalawa sa loob ng bahay.

Pero may ka-love triangle din sila dahil part din daw ng eksena ang isa pang housemate ni Kuya na si Argel Saycon.

Sa ngayon, todo ang GinSky fans sa pagsuporta sa dalawa lalo pa at nominado si Sky para mapalabas sa bahay ni Kuya.

Kaya sigaw ng certified “PBB” fans, kung totoo may sawa factor ang reality show, bakit gabi-gabi trending pa rin ang mga kaganapan sa loob? Isa din ang palabas sa most watched sa iWant at YouTube. (Dondon Sermino)

The post ‘Bromance’ nina Gino, Sky benta sa mga netizen appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *