‘BrightWin Manila Live’ patok sa mga Pinoy

Puwede nang ulit-ulitin ng mga fan ang saya at kilig sa tinagurian ng maraming “best” virtual fan meet ng Thai stars na sina Bright Vachirawit at Win Metawin na “BrightWin Manila Live: The Virtual Fan Meet” dahil mapapanood na ito nang buo sa iWantTFC.

The post ‘BrightWin Manila Live’ patok sa mga Pinoy first appeared on Abante.

brightwin manila live patok sa mga pinoy - ‘BrightWin Manila Live’ patok sa mga Pinoy
abante BrightWin Manila Live - ‘BrightWin Manila Live’ patok sa mga Pinoy

Puwede nang ulit-ulitin ng mga fan ang saya at kilig sa tinagurian ng maraming “best” virtual fan meet ng Thai stars na sina Bright Vachirawit at Win Metawin na “BrightWin Manila Live: The Virtual Fan Meet” dahil mapapanood na ito nang buo sa iWantTFC.

Mabibili ng mga fan sa Pilipinas ang pay-per-view pass sa halagang P99 sa iWantTFC website (iwanttfc.com), at maaari na rin itong ulit-ulitin sa loob ng pitong araw pagkatapos mabili.

Espesyal para sa maraming BrightWin fans ang naturang event dahil sa Pinoy flavor ng show. Bukod sa performance ni Bright ng “With A Smile,” may mga parol ding dekorasyon sa stage at jeep sa opening number ng dalawang aktor.

All-out din ang mga Thai star sa performance nila at game na game sa pagsagot ng mga tanong mula sa mga fan mapa-personal man o tungkol sa kanilang karera.

“Sa totoo lang yung #BrightWinManilaLIVE yun pinaka the best sa lahat ng fan meet na BrightWin na napanuod ko. Ang happy nya lang tapos walang filter! Ang daming ganap na di mo expected… Pasabog ganon!” post ni @edgeshopmanila.

I-download ang iWant TFC app (iOs at Android) o panoorin ito sa mas malaking screen sa mga piling smart TV brands, ROKU streaming devices, at Telstra TV para sa users na nasa labas ng Pilipinas. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv. (DS)

The post ‘BrightWin Manila Live’ patok sa mga Pinoy first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *