Boy, Charo panalo sa mga viewer

Tagumpay sina Charo Santos at Boy Abunda sa pagpasok sa FYE sa Pinoy livestreaming app.

The post Boy, Charo panalo sa mga viewer first appeared on Abante.

boy charo panalo sa mga viewer - Boy, Charo panalo sa mga viewer
kapamilya 6 - Boy, Charo panalo sa mga viewer

Tagumpay sina Charo Santos at Boy Abunda sa pagpasok sa FYE sa Pinoy livestreaming app.

Ang mga show nga nilang “Dear Charo” at “The Best Talk” ay umani ng pinakamaraming viewers sa Kumu para sa buwan ng Oktubre.

Humamig ng 384K na mga like ang “Dear Charo” noong Oct. 26, kung saan naging panauhin sina Kim Chiu at Bro. Eddie Villanueva.

At 540K likes naman ang hinamig “The Best Talk” nitong Oct. 24, kung saan guests niya sina Ai-Ai delas Alas at Kisses Delavin.

Inalay ng King of Talk ang kanyang nalikom na virtual gift earnings sa Bakwit, isang foundation na nagpapalaganap ng karapatan at kapakanan ng mga batang Pinoy.

Ang “Dear Charo” at “The Best Talk” ang dalawa sa pinakabagong shows sa FYE, na isa sa handog ng ABS-CBN sa Kumu. (Dondon Sermino)

The post Boy, Charo panalo sa mga viewer first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *