Boses ng Pinoy singer bumida sa Korea

Winner talaga ng mga OPM song ng Star Music.

The post Boses ng Pinoy singer bumida sa Korea first appeared on Abante.

boses ng pinoy singer bumida sa korea - Boses ng Pinoy singer bumida sa Korea
abante she - Boses ng Pinoy singer bumida sa Korea

Winner talaga ng mga OPM song ng Star Music. Akalain mo ba namang ma-feature sa K-drama na “Flower of Evil” ng tvN!

Ang tvN lang naman ang network na nagbigay sa atin ng ilan sa mga pinakapumatok na K-drama gaya ng “Goblin,” “What’s Wrong With Secretary Kim,” “Hotel del Luna,” at ang mega favorite ng mga Pinoy na “Crash Landing On You.”

Mas nakaka-proud pa dahil ang original composition at debut single na “She” ng young singer-songwriter na si SAB ang napakinggan sa crime thriller na serye kung saan bida sina Lee Joon-Gi at Moon Chae-Won.

Para sa mga hindi familiar sa kanta pero fan ng BL series na “Hello Stranger,” ang kantang “She” ay ‘yung laging tumutugtog kapag may eksena sina Kookai (Vivoree Esclito) at Seph (Patrick Quiroz). Maganda naman talaga ang kanta, kaya mas naging nakakakilig din ang scenes ng #KaiSeph.

Anyway, sa mga hindi nanonood ng “Flower of Evil,” maririnig ang “She” sa episode 7 habang nag-uusap ang mga karakter nina Gong Mi-Ja at apo niyang si Baek Eun-Ha. Halos isang minuto rin ang eksena na ‘yan kaya talagang babad na babad ang very angelic voice ni SAB, ha! (Dondon Sermino)

The post Boses ng Pinoy singer bumida sa Korea first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *