Boobs ni Lars bumulaga sa ‘Showtime’

Agad-agad na humingi ng paumanhin, dispensa ang “It’s Showtime” sa nangyaring wardrobe malfunction sa kanilang show.

boobs ni lars bumulaga sa showtime - Boobs ni Lars bumulaga sa ‘Showtime’
lars - Boobs ni Lars bumulaga sa ‘Showtime’

Agad-agad na humingi ng paumanhin, dispensa ang “It’s Showtime” sa nangyaring wardrobe malfunction sa kanilang show.

Ang eksena, sa opening number nga ay makikitang kumakanta sina Kuya Kim, Ryan Bang, at si Lars Pacheco, ang “Miss Q and A” grand finalist.

At dahil kakaiba ang tabas ng dress ni Lars, hindi niya namalayan na lumabas na ang isang dibdib niya. Pero nu’ng napansin niya na nakalantad na nga ang boobey niya, agad din naman siyang tumalikod para ayusin ito. Eh, hindi yata alam ni Kuya Kim na nakalatad na ang boobey ni Lars, kaya pilit pa niya itong hinila para humarap sa kamera.

Anyway, si Vice Ganda nga ang nag-isyu ng public apology. Ramdam nga na siyempre ay may mga bata ring nakapanood ng eksenang ‘yon.

“Gusto lang po naming linawin ang naganap na pangyayari kay Lars Pacheco. Nagkaroon po ng wardrobe malfunction kanina si Lars Pacheco. Wala pong may kagustuhan nu’n. Kahit si Lars ay hindi kagustuhan ang nangyari, at sino man sa mga host o bahagi ng programang ito ay hindi ginusto ang pangyayari. Kahit si Lars ay sobrang na-embarrass sa pangyayaring ‘yon.

“Kung mayroon pong na-offend doon ay humihingi kami ng paumanhin sa lahat po ng nakakita at nakapanood. Gayunpaman, wala pong may kagustuhan sa naganap na malfunction,” sabi ni Vice Ganda.

Anyway, si Lars Pacheco nga ay isang transwoman. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *