Boobs ni Ivana Alawi dinapuan ng paro-paro

Patuloy ang pananalasa ni Ivana Alawi sa social media sa pinakabago niyang pictorial na parang isang birhen sa gubat.

The post Boobs ni Ivana Alawi dinapuan ng paro-paro first appeared on Abante.

boobs ni ivana alawi dinapuan ng paro paro - Boobs ni Ivana Alawi dinapuan ng paro-paro
abante ivana 1 - Boobs ni Ivana Alawi dinapuan ng paro-paro

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - Boobs ni Ivana Alawi dinapuan ng paro-paroPatuloy ang pananalasa ni Ivana Alawi sa social media sa pinakabago niyang pictorial na parang isang birhen sa gubat.

Legs, likod at braso pa lang ang ipinakita ni Ivana sa larawan, pero humakot na ito nang mahigit 500,000 na like, at meron na itong mahigit sa 2,500 comment.

Kahit lantad ang mga binti at bahagyang nakalitaw lang ang likod ni Ivana, sexy at mapang-akit pa rin ito sa mata ng mga netizen.

Hindi kinailangan ni Ivana na maghubad nang husto para lang makapukaw ng atensyon ng mga yakman.

Ang isa pa nitong larawan na nakasuot ng transparent dress at aninag ang kanyang boobs ay humakot na rin ng 600,000 like.

Para sa isang fashion magazine ang pictorial na `yon, kaya tinakpan ng paro-paro ang korona ng kanyang boobs.

Tom, Pokwang nagluluksa

Parehong nagluluksa sina Pokwang at Tom Rodriguez na parehong namatayan ng kanilang magulang.

Si Pokwang ang kanyang ina na si Gloria at si Tom naman ay ang ama niyang Amerikano na nasa US.

Kamakailan lang nagposte si Pokwang ng larawan nila ng kanyang ina sa Instagram para ipahayag ang pagmamahal at pagtanggap sa pagyao nito.

Nagposte naman ng larawan at maikling kanta si Tom para sa ama sa Instagram.

Jaya excited maging lola

Magkakaroon na ng manugang si Jaya ngayong engaged na ang kanyang stepson na si Gavin sa dyowa nito. Si Gavin ay anak ng mister ni Jaya na si Gary Gotidoc sa una nitong asawa.

Parehong diborsyado sina Jaya at Gary sa una nilang mga asawa.

Ipinagmalaking ipinoste ni Jaya ang larawan nila ng buo niyang pamilya, kasama ang kasintahan ni Gavin.

“Finally!!!! Our son Gavin and Athena (our soon to be daughter-in-love) are tying the knot soon!!! Dad and I (Sab and Din, too) are so happy for you two and so, so proud of how you continue to honour Jesus with all that you do. May God bless your marriage and all your plans…Love you guys @gavingotidoc @athena_gara @garygotidoc @sabriyagotidoc @dylangotidoc.”

Mukhang excited na rin si Jaya na maging lola, ha!

Nash bigo sa paghimay ng mga bituin

Naniniwala si Mica dela Cruz na imposible na ngang maabot pa ng kasintahan nitong si Nash Aguas ang pangarap na maging isang astrophysicist.

Sa birthday message ni Mica kay Nash pinoste nito ang birthday cake na regalo nito sa aktor na may image ng mga lalake at babae, na nakatingin sa kalawakan ng mga star.

Dito niya sinabi na maaring hindi na matupad ni Nash ang pangarap nitong pag-aralan ang tungkol sa mga bituin.

“Medyo malayo na at parang imposible nang abutin yung pangarap mong maging astrophysicist pero sana kahit ngayong araw lang… sa maliit na paraan kong ‘to…kahit paano…nailapit kita sa universe mo. Happy birthday, love! @zackwey,” sey ni Mica.

Ayon sa Google, “Astrophysic is a branch of space science that applies the laws of physics and chemistry to explain the birth, life and death of stars, planets, galaxies, nebulae and other objects in the universe. It has two sibling sciences, astronomy and cosmology, and the lines between them.”

‘Baby’ nina Billy-Coleen bet agad kumanta

Bumida nang husto sa mga netizen ang sanggol nina Billy Crawford at Coleen Garcia sa pagtugon ng bata sa pagkanta ng una. Pinoste ni Billy ang video nila ni Amari na kinakantahan niya ang anak.

Nilalaro ni Billy ang anak sa pamamagitan ng pag-awit dito ng “Don’t Worry, Be Happy.”

Parang naiintindihan ng sanggol ang kinakanta ni Billy sa mga reaksyon nitong napapangiti sa naririnig. Naglalabas din ng tunog ang sanggol na parang gusto rin nitong magsalita at kumanta.

Maririnig din ang boses ni Coleen na bumulalas ng salitang “ay, ang cute!” sa nakikita nitong reaksyon ng anak.

The post Boobs ni Ivana Alawi dinapuan ng paro-paro first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *