Bongga ni Vice, oh: Ion may kotse, negosyo agad

Dahil nakabalik na mula sa kanilang show abroad sina Vice Ganda at dyowa nitong si Ion Perez, bigla namang kumalat ang tsikang 100% richer daw ngayon ang guwapong “Mr. Escort” ng “It’s Showtime.”

The post Bongga ni Vice, oh: Ion may kotse, negosyo agad appeared first on Abante News Online.

bongga ni vice oh ion may kotse negosyo agad - Bongga ni Vice, oh: Ion may kotse, negosyo agad
Abante 2019 Vice Ganda - Bongga ni Vice, oh: Ion may kotse, negosyo agad

abante ambuzz ambet nabus 336x224 - Bongga ni Vice, oh: Ion may kotse, negosyo agadDahil nakabalik na mula sa kanilang show abroad sina Vice Ganda at dyowa nitong si Ion Perez, bigla namang kumalat ang tsikang 100% richer daw ngayon ang guwapong “Mr. Escort” ng “It’s Showtime.”

May tsismis kasing “ti­nulungan” ni Vice na mabili ng kanyang boyfriend ang pinapangarap nitong sasakyan plus nagkaroon umano ito ng share sa ilang businesses na kasali si Vice Ganda, ha!

Aba kung totoo man ang tsismis na ‘yan, magandang halimbawa ang itinuturo ni Vice sa kanyang boyfriend. For sure ay ang kabutihan nito ang nasa isip ng kilalang host kaya’t makabuluhang pagtulong ang ginagawa nito.

Saka hello, kung dati pang natsitsismis na generous si Vice Ganda, ngayon pa ba siya magkukuripot sa lalaking ipinagmamalaki siya sa lahat?

Pero in the spirit of fairness, nakikita naman natin ang pagsisikap ni Ion na mapaunlad ang sarili kaya’t kung duma­dami man ang mga meron siya ngayon, dahil ‘yun sa pagsisipag niya.

Bonus na lang si Vice. Hahaha!

Keempee ginamit ang ‘Eat Bulaga’ para pag-usapan

Kung marami ang naiintindihan si Keempee de Leon hinggil sa kanyang tampo sa “Eat Bulaga” at kung bakit lumabas siya sa “It’s Showtime,” meron din namang nagsasabing nagpapansin lang ito.

Sey ng ilang netizen: “Sa tagal na niya sa showbiz, alam na niya ang laro. Siyempre meron lang siyang project na ginawa sa ABS-CBN kaya gusto niyang pag-usapan kahit na ‘among those’ lang siya sa mga artista.”

Dagdag pa ng mga netizen, “kesa naman sa wala eh last year pa siya nasa Kapamilya network at hindi siya maramdaman unlike others na galing din sa Kapuso network. Humo-hopia rin siyempre siya na gaya ng ibang lumipat, mas dumami ang exposure niya sa number one network noh.”

Naging isyu kasi kamakailan ang paglabas ng dating matinee idol sa ka­tapat na programa ng “Eat Bulaga” kung saan 14 years din siyang nagtrabaho. At dahil daw sa umabot na sa isang taon na “tengga” siya rito at sinabihang hindi na makakabalik despite his having a father like Joey de Leon na “influential” kumbaga, “need ko din namang mag-move on at maghanap ng work,” sey ni Kimpoy.

Hirit uli ng ibang mga netizen: “Well, saang network ka pa ba pupunta kundi sa kalaban na mas pag-uusapan, ‘di ba? Gagawa ka na lang din ng isyu, siyempre dapat dun na sa makikinabang ka ng marami at bongga.”
Aguy…

The post Bongga ni Vice, oh: Ion may kotse, negosyo agad appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *