Body shamer ni Angel kinuyog ng mga netizen

Body shamer ni Angel kinuyog ng mga netizen

Kinuyog ng mga fan, netizen ang isang Facebook subscriber na nanlait sa katawan ni Angel Locsin. Hindi nga natuwa ang mga netizen, na heto nga si Angel, naglabas ng datung, personal na nagpunta sa Davao at ilang karatig-lugar roon, at namigay ng mga pangangailangan ng mga biktima ng lindol.

body shamer ni angel kinuyog ng mga netizen - Body shamer ni Angel kinuyog ng mga netizen
angel locsin 4 - Body shamer ni Angel kinuyog ng mga netizen

Kinuyog ng mga fan, netizen ang isang Facebook subscriber na nanlait sa katawan ni Angel Locsin. Hindi nga natuwa ang mga netizen, na heto nga si Angel, naglabas ng datung, personal na nagpunta sa Davao at ilang karatig-lugar roon, at namigay ng mga pangangailangan ng mga biktima ng lindol.

Pero, heto nga at may mga tao pa ring hinusgahan, nilait ang kanyang pisikal na anyo o ang pagiging medyo malusog ng kanyang katawan.

Heto nga ang komento ni Heavenly Bliss Faithfully: “Hehehe akala ko sexy sya… mataba pla at may puson pa hehe. Edited lang pala yung sa TV… But salamat sa pagtulong.. naka2shock lang kc hehe.”

Kaya hindi talaga nakapagtimpi ang mga netizen, at katakot-takot na panlalait ang ibinato sa kung sino mang netizen na ito na nagtatago sa pangalan na ‘yan, na sabi nga nila ay hindi bagay sa kanya ang account name na ‘yon.

Heto ang ilang reaksyon ng mga netizen:

“Demonyo ka! Imbes na magpasalamat, eh, namintas pa. busilak ang puso ni Angel!” – Yrod Sollab

“Tumulong na, pinintasan pa. Ang importante maganda ang kalooban niya.” – Tata Vazques

“Miss Angel Locsin is still aesthetically attractive no matter what ‘Heavenly Bliss Faithfully’ negative comment.” – Mimi Gayatao Smith

“Kulang sa pansin ‘yan. Di baling mataba maganda pa rin. Eh ikaw anong meronka?” – Luming Marquita

“Hiyang-hiya naman ako sa kaseksihan ni ate. Wag masyado mapangpuna te, magpasalamat kayo at may katulad nya na handang tumulong sa mga nangangailangan.”—Jerryl de Jesus.

Anyway, habang isinusulat ito, kulang-kulang isang libo na ang nagkomento sa FB user na ito. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *