Blackpink, Ariana pinadapa: BTS hawak ulit ang YouTube record

Nagbunyi ang mga K-pop fan partikular na ang mga supporter ng all male group na BTS (Bangtan Sonyeondan)

The post Blackpink, Ariana pinadapa: BTS hawak ulit ang YouTube record appeared first on Abante News Online.

blackpink ariana pinadapa bts hawak ulit ang youtube record - Blackpink, Ariana pinadapa: BTS hawak ulit ang YouTube record
Abante 2019 BTS - Blackpink, Ariana pinadapa: BTS hawak ulit ang YouTube record

Nagbunyi ang mga K-pop fan partikular na ang mga supporter ng all male group na BTS (Bangtan Sonyeondan) dahil sa wakas ay lumabas na ang album na “Map of the Soul: Persona” kung saan isa na namang YouTube record ang na-break dahil isa sa mga kanta sa album na iyon which is ang “Boy With Luv” kasama si Halsey ay humakot agad ng 74.6 million views sa loob lang ng 24 oras, at mahigit 6 million din agad ang likes ng music video nito.

Malaki nga ang lamang nila sa Blackpink, with 56.7 million views record.

Si Ariana Grande naman ay may 55.4 million namang record sa YouTube.

Bongga, ‘di ba? Mukhang kasing init ng panahon dito sa Pilipinas ang labanan sa most numbered viewers ng music video ng mga K-pop group.

So dahil nga umangat nang bonggang-bongga ang music video ng BTS, ibig sabihin pinataob ng grupong ito ang music video ng Blackpink at ni Ariana!
Anyway, mara­ming fan ang nagbigay ng reaksyon kaugnay dito at biro pa nga ng iba ay parang nakakabuntis ang mga bagong release na kanta ng BTS dahil sexy raw! Kaloka! (Athena Yap)

The post Blackpink, Ariana pinadapa: BTS hawak ulit ang YouTube record appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *