Bitoy, misis na si Carol madalas magtalo sa pera

Nirendahan si Michael V sa gastos ng asawa niyang si Carol Bunagan bilang producer. Sa unang venture nila under their Mic Test Entertainment, naki-co-produce sila sa pagbabalik sa film production ng GMA Films na GMA Pictures na ngayon.

The post Bitoy, misis na si Carol madalas magtalo sa pera appeared first on Abante News Online.

bitoy misis na si carol madalas magtalo sa pera - Bitoy, misis na si Carol madalas magtalo sa pera
ABANTE BITOY - Bitoy, misis na si Carol madalas magtalo sa pera

abante i know better jun nardo 336x224 - Bitoy, misis na si Carol madalas magtalo sa peraNirendahan si Michael V sa gastos ng asawa niyang si Carol Bunagan bilang producer. Sa unang venture nila under their Mic Test Entertainment, naki-co-produce sila sa pagbabalik sa film production ng GMA Films na GMA Pictures na ngayon.

“Ako, magastos! Siya matipid! Hahaha!” bulalas ni Michael V sa mediacon ng unang pagsabak niya sa pagdidirek.

“Ako ‘yung ‘pag may hindi nagustuhan, gusto kong papalitan. Minsan, she talks sense into my hard head! Hahaha! Sa aking matigas na ulo.

“Kaya siya nandito, to see na ‘yung vision ko naisasakatuparan. Nakikita natin na nagma-materialize. Mahirap din para sa kanya. Gaya ng sabi ko, ang dami kong hinihingi, ang dami kong gusto pero nairaos naman,” dagdag ng comic genius.

Drama ang tingin ng media sa trailer ng movie. “Pero hindi naman ako papayag na walang comedy. ‘Yung comedy hindi mawawala sa lahat ng ginagawa ko, kanta, TV show at ngayon sa pelikula.

“Marami nga ang nagsabi na tama ang timpla kasi there are times sa movie na tumatawa ka then umiiyak ka,” rason ni Michael V.

Sa July 24 ang showing ng movie at si Dawn Zulueta ang kapareha niya sa unang pagkakataon. Kasama rin sa cast ang love team nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Resulta ng imbestigasyon kay Eddie ayaw pang isapubliko

Tama naman ang desisyon ng GMA Network na una munang malaman ng pamilya ni Tito Eddie Garcia ang resulta ng imbestigasyon sa aksidenteng nangyari sa kanya sa set ng series na ginagawa bago mamatay bago ito ilabas sa publiko.

Respeto ang gustong ibigay ng network sa pamilya na nais ding malaman ang resulta ng imbestigasyon. Pangit naman kung basta na lang nila ito malalaman sa media, sa TV at sa social media, huh.

So hintayin na lamang natin ang desisyon ng pamilya ng yumaong aktor kung papayagan nilang isapubliko ang imbestigasyon ng Kapuso network.
Saka na ‘yung pagbunganga, huh!

The post Bitoy, misis na si Carol madalas magtalo sa pera appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *