Bistek balik pelikula na

Ang pagbisita sa puntod ng mga magulang sa Holy Cross Memorial Park ang ginawa ni former QC Mayor Herbert Bautista nu’ng natapos na ang termino niya bilang pinuno ng lungsod.

The post Bistek balik pelikula na appeared first on Abante News Online.

bistek balik pelikula na - Bistek balik pelikula na
herbert 1 - Bistek balik pelikula na

Jun Nardo

abante i know better jun nardo 336x224 - Bistek balik pelikula naAng pagbisita sa puntod ng mga magulang sa Holy Cross Memorial Park ang ginawa ni former QC Mayor Herbert Bautista nu’ng natapos na ang termino niya bilang pinuno ng lungsod.

Ang mga magulang (Butch and Baby Bautista) ay malaking factor kung bakit pinagsabay niya ang showbiz at politika dahil na rin sa pagmamahal sa mga nasasakupan sa murang edad.

Ngayon ay simpleng Citizen Bistek na lamang siya. Ang maglaan nang mahaba-habang oras sa mga anak ang prayoridad niya. Ang isa niyang anak na si Race ay isa sa dumalo nu’ng term-end report at valedictory address ni Bistek last Friday. Pero naging tahimik lang si Race na pinanood ang talumpati ng ama.

“The ONLY time Race was EVER in any attendance of his father’s political life was Herbert’s farewell speech as a mayor yesterday.

“Race and Cray now welcome him with open arms and hearts as a private citizen, a father, as a co-actor (in Race’s case), a travel buddy and a confidant,” bahagi ng Facebook post ng mother niyang si Eloisa Matias.

Hindi dumating si Cray pati si Eloisa dahil tugon niya sa nagtanong, “Kahit pa ako invited, I do not have the gal to go.”

Dagdag pa ni Eloisa, “Hiya ko naman dumispley. In private we are really good friends, thus co-parenting had always been great. So life is peaceful.”

May chance na sumunod si Race sa footsteps ng ama dahil kamakailan ay naging guest siya sa “Minute To Win It” bilang contestant.

As for Citizen Bistek, pinaplantsa na ang projects na gagawin niya sa pagbabalik sa showbiz.

The post Bistek balik pelikula na appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *