Binuking ni Mayor Sara: Jinggoy basted kay Sharon

Matagal ko nang alam ang kuwentong ito. Noon pa man ay ikinukuwento na ni Jinggoy Estrada sa mga taga-showbiz ang pagkagusto niya kay Sharon Cuneta.

The post Binuking ni Mayor Sara: Jinggoy basted kay Sharon appeared first on Abante News Online.

binuking ni mayor sara jinggoy basted kay sharon - Binuking ni Mayor Sara: Jinggoy basted kay Sharon
ABANTE sharon 1 - Binuking ni Mayor Sara: Jinggoy basted kay Sharon

By Dondon Sermino

Matagal ko nang alam ang kuwentong ito. Noon pa man ay ikinukuwento na ni Jinggoy Estrada sa mga taga-showbiz ang pagkagusto niya kay Sharon Cuneta.

Pero, iba pala kapag anak ng Presidente ang nagkukuwento, at sa harap pa ng maraming tao.

Anyway, napagkatuwaan ni Mayor Sara Duterte si Sen. Jinggoy Estrada at ibinisto nito sa harap ng madlang people ang ginawang pambabasted ng Megastar Sharon Cuneta kay Jinggoy noon, sa idinaos na campaign caravan ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa San Andres Sports Complex, Maynila.

“Alam niyo po ang idol ko na artista ay si Sharon Cuneta. Kahit araw-araw kami magpa-picture, gagawin ko iyan, hindi ako magsasawa,” pagbabahagi ni Mayor Sara.

Naikuwento umano ni Jinggoy ang nakaraan kay Sharon. “‘Idol mo pala si Sharon Cuneta. Pareho tayo, alam mo bang gustong-gusto ko rin ‘yan si Sharon Cuneta. Niligawan ko ‘yan,’” pag-aalala ni Mayor Sara sa istorya ni Jinggoy.

Usisa naman ng Mayora, “So ano’ng nangyari sa lovelife niyo, Sen?”
Sagot naman ni Jinggoy noon, “Hay naku, paano ka ba naman lalaban kay Gabby Concepcion?”

“Binasted siya ni Sharon Cuneta!” lahad ng Mayora Sara kay Jinggoy sa harap ng libo-libong dumalo sa campaign rally. Hindi naman napigilan ni Inday Sara ang matawa sa kanyang panunukso sa senador, lalo’t isa sa mga nakikinig ang butihing maybahay ni Jinggoy na si Precy Vitug Ejercito.
Wala namang nagawa ang senador at napangiti na lang sa rebelasyon ng Mayor Sara.

The post Binuking ni Mayor Sara: Jinggoy basted kay Sharon appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *