Binuking ni Kier: Dani mahilig magrebelde, lumayas

First and last interview na raw ni Kier Legaspi ang ginawa niya sa amin ni Papa Jobert Sucal­dito last Thursday night sa Showbuzz program ng DZMM Teleradyo.

The post Binuking ni Kier: Dani mahilig magrebelde, lumayas appeared first on Abante News Online.

binuking ni kier dani mahilig magrebelde lumayas - Binuking ni Kier: Dani mahilig magrebelde, lumayas
Abante 2019 Dani Barretto - Binuking ni Kier: Dani mahilig magrebelde, lumayas

abante ambuzz ambet nabus 336x224 - Binuking ni Kier: Dani mahilig magrebelde, lumayasFirst and last interview na raw ni Kier Legaspi ang ginawa niya sa amin ni Papa Jobert Sucal­dito last Thursday night sa Showbuzz program ng DZMM Teleradyo.

Ayon sa aktor sa isyu nila ng anak na si Dani Barretto: “Nakaramdam ako ng kirot (nang mapanood niya ang YouTube video ng anak). But at the end of it, I have but still love for her. Anak ko siya at alam kong alam niya ang totoo sa tunay na nangyayari.”

Paliwanag pa ni Kier na sa dinami-dami ng effort na kanyang ginawa at ginagawa para mapunan ang mga pagkukulang niya sa anak since baby ito, magdalaga at ngayong ikakasal na rin, “there seems to always have a block, a wall between us. Ngayon ko lang sasabihin ito not make her or them look bad, pero lagi lang akong nandiyan. Nu’ng mga times na naglalayas siya sa nanay niya, sa akin siya tumitira. Nu’ng nasa mama (Mommy Hershey Legaspi) ko pa kami nakatira, dun din siya naglalagi at nakasama niya kami ng mama ko sa paglaki niya. So, nagtataka ako kung saan nanggaling itong para akong stranger sa buhay niya?”

Nagpasalamat din si Kier kay Gretchen Barretto sa pagsasalita nito at pagpapatunay na merong father-and-daughter relationship sa kanila ni Dani.
“It may not be that ideal and perfect, but I know in my heart na naging ‘ama’ ako to her,” saad ni Kier.

Sadya lang daw na sa paulit-ulit niyang pag-effort para mas maging “buo” at “solid” ang relasyon nila bilang mag-ama, madalas daw na may humahadlang.

“There were even times when I tried to reach out to her, at nakaiskedyul na kaming magkita, pero siya itong magka-cancel o magba-back out dahil meron siyang ibang gagawin o pupunta siya sa Cebu for work, mga ganu’ng incidents,” paliwanag pa ni Kier.

But the father still wishes na soon ay maayos din nilang mag-ama ito and that he hopes to meet his daughter would-be husband.

“Anak, sana ipakilala mo siya sa akin at makapag-usap din kami. I wish you all the best and I love you. Alam mo iyan since nung bata ka pa until nagkakaisip na,” sey pa ni Kier.

Anne talbog sa husay ni Jasmine

“Sana naman magawa rin niyang i-promote sa mga platform niya,” pabiro pero parang seryosong reaksyon ng isang GMA 7 executive na nakahuntahan namin tungkol sa naging­ panawagan ni Anne Curtis para sa ka­patid na si Jasmine Curtis Smith.

Bongga kasi ang exposure at pagganap ni Jasmine sa pinakabagong soap ngayon ng GMA 7 na Sahaya.­ Si Jasmine (later magiging si Mylene­ Dizon) ang gumaganap na nanay ni Bianca Umali at dahil mas magaling nga itong aktres kesa sa Ate Anne niya, hindi kataka-takang kering-keri nito ang maging ‘nanay.”

Kaya marahil na-impress si Anne at nakiusap sa GMA 7 na laging bigyan ng kagayang role ang kapatid. At dahil diyan, positive naman ang reaksyon ng mga taga-Kapuso sa panawagan-request ni Anne.

May hirit nga lang sila na sana rin ay matulungan ng aktres-host ang nakababatang kapatid kahit man lang sa promotion o publicity nito.

Sa milyones naman kasing follower ni Anne sa mga social media platform niya pati na sa daily show niya sa Showtime, may kapasidad siyang maipakilala sa mas marami ang kapatid.

The post Binuking ni Kier: Dani mahilig magrebelde, lumayas appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *