Binanatan ng mga fan: Mariel walang ‘K’ bumalik sa Dos

Nagpahayag si Mariel Padilla na kapag tamang panahon na raw, babalik siya sa It’s Showtime o sa ABS-CBN.

The post Binanatan ng mga fan: Mariel walang ‘K’ bumalik sa Dos first appeared on Abante.

binanatan ng mga fan mariel walang k bumalik sa dos - Binanatan ng mga fan: Mariel walang ‘K’ bumalik sa Dos
Mariel Padilla - Binanatan ng mga fan: Mariel walang ‘K’ bumalik sa Dos

Rose Garcia Ansabeh 14 300x157 - Binanatan ng mga fan: Mariel walang ‘K’ bumalik sa DosNagpahayag si Mariel Padilla na kapag tamang panahon na raw, babalik siya sa It’s Showtime o sa ABS-CBN.

May nagtanong kasing follower niya kung babalik pa rin ba ito sa It’s Showtime. Sinagot ito ni Mariel na, “ABS-CBN is my home. In my mind, in my heart… when the time is right, I will be back.”

‘Yun nga lang, mukhang matagal makalimot ang mga netizen. Base sa mga comment na nabasa namin, may mga diretsahang sinabi na ayaw na nilang bumalik pa si Mariel. May pa-shade pa na comment na, “Nakakahiya naman sa asawa mo (Robin Padilla.)”

Obviously, ang pinanggalingan ng disgusto ng ilang netizen ay ang pagiging diehard supporter nila ni President Rodrigo Duterte at sa nangyaring pagsa-shutdown sa ABS-CBN.

Sey pa ng iba, ‘wag na umasa si Mariel na kukunin pa siya ng Dos.

***

Negative sa virus: Beauty Gonzales kabado sa TV5 serye

Bukod sa Sunday Noontime Live, ang bagong serye na mapapanood sa TV5 na produced din ng Bright Light Productions ni Cong. Albee Benitez ay ang romantic-comedy series na I Got You.

Pinagbibidahan ito nina Beauty Gonzales, Jane Oineza at RK Bagatsing mula sa direksyon ni Dan Villegas. Katulad ng SNL, mga galing ABS-CBN din at mga dating Kapamilya star din halos lahat ng nasa cast.

At dahil nga sa pagkaka-shutdown ng network, siyempre, hindi maiaalis na may worry rin dahil kahit may mga digital platform ang network at ngayon na lang din na yung ilang shows ay nasa A2Z channel 11, sa rami nilang talent, may mababago at mababago talaga in-terms of work distribution na rin.

Kaya grateful daw silang lahat na in a way, may sumalong network at production nga na tulad ng Brightlight Productions na todo rin ang sugal na ginagawa ngayon.

At kahit nandiyan pa rin ang risk ng COVID-19, na-miss na rin daw talaga ni Beauty ang magtrabaho at pitong buwan na rin daw siyang walang work kaya excited siya. Although, for safety, tinanong daw muna niya lahat ng safety protocols muna.

“And I’m proud to say na negative kami lahat sa swab test. Like lahat. So, I’m very happy with the Brightlight Productions kasi ang galing-galing na walang nagkasakit sa amin.”

Inamin ni Beauty na mula sa naging hit serye niya sa ABS-CBN na Kadenang Ginto, may pressure sa part niya sa magiging expectation sa kanya ngayon sa bagong network.

“Yes, may pressure ako siyempre mula sa Kadenang Ginto and then another show. For every show that I do, sobra kong napi-pressure.

“But you know, I give my best and I want people to relate to every character that I make. And with this show naman, I’m confident enough na maganda siya. I’m positive naman na papatok siya.

“It’s totally different from Kadenang Ginto. At aabangan nila kung ano naman ang gagawin ko. And si Direk Dan Villegas ‘yan. And a lot of prayers. Maraming prayers talaga at lahat yata ng santo sa bahay pinagdasalan ko na sana pumatok ‘to.”

Mapapanood ang I Got You every Sunday starting on Oct. 18 from 2-3pm.

The post Binanatan ng mga fan: Mariel walang ‘K’ bumalik sa Dos first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *