‘Biktima rin po ako’ Nanay ni Pia nagsalita sa akusasyon ni Sarah

Nagsalita na ang mommy ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa YouTube channel niya, para sagutin ang mga akusasyon ng anak niyang si Sarah Wurtzbach tungkol sa usapin ng ‘rape’.

The post ‘Biktima rin po ako’ Nanay ni Pia nagsalita sa akusasyon ni Sarah first appeared on Abante.

biktima rin po ako nanay ni pia nagsalita sa akusasyon ni sarah - ‘Biktima rin po ako’ Nanay ni Pia nagsalita sa akusasyon ni Sarah
pia 11 - ‘Biktima rin po ako’ Nanay ni Pia nagsalita sa akusasyon ni Sarah

Nagsalita na ang mommy ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa YouTube channel niya, para sagutin ang mga akusasyon ng anak niyang si Sarah Wurtzbach tungkol sa usapin ng ‘rape’.

Sa kuwento niya, nakatira pa sila sa Pilipinas, sa Pasig, at siya lang mag-isa ang nag-aaruga sa dalawa niyang anak, kay Pia at Sarah Wurtzbach.

“Si Sarah nakakapuslit pala yan sa gabi.

“Napakahirap alagaan ang dalawang anak na babae na mestisa. Talagang binabantayan ko mga anak ko.

“Gagawin ko ba ‘yon sa mga anak ko? Hindi po ako ganiyang ina. Huwag niyo akong husgahan. Kasi po talagang inalagaan ko ang aking mga anak,” sabi ni Miss Cheryl.

Sa kuwento ng kapitbahay nila, na diumano ay dina-drugs si Sarah sa isang bahay sa Pasig, kahit anong kulit daw niya sa anak ay ayaw magsalita.

“Deny nang deny.”

Hanggang sa umabot nga raw sila sa ‘barangay’, pero hindi talaga nagsalita si Sarah.

“Nagpa-barangay ako, para magharap-harap kami. Mga 10 years old pa lang siya noon. Nakailang hearing kami, hindi umamin si Sarah, kaya na-close ang case.”

Hanggang sa napadpad nga raw sila sa United Kingdom. Nagtrabaho siya bilang caregiver, at nag-aral na si Sarah. Si Pia raw ay nagtrabaho bilang tagahugas ng pinggan sa isang hotel.

At may sulat daw na dumating galing sa principal ni Sarah.

“Sabi ng principal, kinukuwento raw ni Sarah ang nangyari sa kanya sa Pilipinas. Na-shocked ako noon.

“Tatlong taon na kami sa UK noon, at wala naman siyang kinukuwento sa akin. I was crying there. Na-shocked ako na para akong binuhusan ng malamig na tubig.

“Nag-iiyakan kami ni Sarah. Bakit sa kanila niya sinabi? Bakit hindi sa akin? Panay lang ang iling niya noong tinanong ko kung sino.

“Ano gagawin natin ngayon? Nasa UK na kami. Ang sakit sa akin noon. Hindi talaga niya sinabi kung sino.

“Sabi ko kung nasa Philippines lang tayo dadanak ng dugo.

“So, nag-move on na kami, wala kaming magagawa, sino hahanapin, sino kakalabanin, ayaw niya magsalita.

“Akala ko naka-move on na siya. Pinabayaan ko siyang gawin gusto niya. Sinuportahan namin siya.

“Matalino si Sarah. She’s a smart girl. Lagi siyang grade A.

“I love my daughters. I don’t believe na she hates me so much. I know she loves me. I know that,” saad pa ni Cheryl.

Ang duda ni Cheryl ay dumadaan sa postpartum si Sarah.

“Biktima rin po ako. Mahal ko ang mga anak ko,” huling mensahe ni Cheryl.

The post ‘Biktima rin po ako’ Nanay ni Pia nagsalita sa akusasyon ni Sarah first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *