Biktima ng cyber-bullying: Sandra Lemonon may ‘warning’ sa mga basher

Tila warning na rin sa mga basher ang pag-post ni Sandra Lemonon sa kanyang Instagram story ng mga pangalan, o account ng mga netizen, fan na nilalait siya nang husto, o pinagsasalitaan siya ng masasakit.

The post Biktima ng cyber-bullying: Sandra Lemonon may ‘warning’ sa mga basher first appeared on Abante.

biktima ng cyber bullying sandra lemonon may warning sa mga basher - Biktima ng cyber-bullying: Sandra Lemonon may ‘warning’ sa mga basher
Mama Limonada - Biktima ng cyber-bullying: Sandra Lemonon may ‘warning’ sa mga basher

Tila warning na rin sa mga basher ang pag-post ni Sandra Lemonon sa kanyang Instagram story ng mga pangalan, o account ng mga netizen, fan na nilalait siya nang husto, o pinagsasalitaan siya ng masasakit.

Di ba nga, pasok sa ‘cyber-bullying’ ang mga ganitong eksena na hayagang pinagsasalitaan ng masasakit sa social media ang isang tao, lalo na isang babae.

Pinost nga ni Sandra ang mga social media account na walang takot na nilait ang kanyang pagkababae.

May iba nga na sinabihan si Sandra na may ‘mental health issue’, na tatanda raw ito na walang korona. May iba na sinabihan siyang burahin na ang advocacy page ni Sandra, dahil plastikada ito, at gumawa ng lang ng Onlyfans.

May nagsabi rin na hindi maganda si Sandra, at make up lang ang nagdadala rito. Ang iba ay tinawag siyang Miss Sour Lemon Loser.

Kaya heto nga ang reaksiyon ni Sandra sa kanila:

“This is also something I’d like to put a stop to.

“People hating/bashing going below the belt & thinking that saying any of these malicious comments is okay, nor will they have repercussions.”

Well… (Dondon Sermino)

The post Biktima ng cyber-bullying: Sandra Lemonon may ‘warning’ sa mga basher first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *