Bieber nakamamatay ang mensahe kay Hailey

Sa kabila ng malamig na panahon dulot ng bagyong ‘Egay’ sa bansang Pilipinas, mistulang dedma sa panahon ang mga ‘Believers’ dahil sa post ng kanilang Hollywood idol na si Justin Bieber.

The post Bieber nakamamatay ang mensahe kay Hailey appeared first on Abante News Online.

bieber nakamamatay ang mensahe kay hailey - Bieber nakamamatay ang mensahe kay Hailey
biber - Bieber nakamamatay ang mensahe kay Hailey

Sa kabila ng malamig na panahon dulot ng bagyong ‘Egay’ sa bansang Pilipinas, mistulang dedma sa panahon ang mga ‘Believers’ dahil sa post ng kanilang Hollywood idol na si Justin Bieber.

Malayo man sa kasalukuyang panahon ng Pilipinas ang klimang mayroon sa kinalalagyan ng mag-asawang Justin at Hailey Bieber, damang-dama pa rin at abot sa bansang Pilipinas ang init ng pagmamahalan ng dalawa.

Hindi naman kasi pala-post talaga si Justin kaya sa oras na ito ay mag-post ay hindi nito pinalalagpas na hindi pa-kiligin ang kanyang bawat follower.

“These are the moments I live for… alone time with you refreshes my soul. You are so out of my league and I’m okay with that! You are mine and I am yours,” pamatay kilig caption ni Justin sa litratong kanyang in-upload kasama si Hailey.

Sunod-sunod namang nag-comment ang mga kapwa sikat na personalidad tulad nina Andrew Bachelor, Kendel Jenner, Sean Kingston at marami pang iba.
“She’s a little bit mine too,” biro pa ni Kendall.

“Real love!!! She brings out a beautiful side of you congrats man!! Happiness is the (key emoticon),” sabi naman ni Sean Kingston.

Dagsa rin sa comment section ang mga Pinoy fan na nagpaulan ng kanilang pagsuporta sa pagmamahalan nina Hailey at Justin. (Athena Yap)

The post Bieber nakamamatay ang mensahe kay Hailey appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *