Bieber nagpaelya sa IG

Maraming pinaelya si Justin Bieber sa pag-post nito na suot lang niya ay white underwear habang tinatakpan ng make-up ang buong katawan niyang may tattoo para sa music video shoot ng single niya na “Anyone”. Walang kahiya-hiya si Bieber na underwear lang ang saplot ng hubad niyang katawan. Isang champion boxer ang gagampanan niya sa […]

The post Bieber nagpaelya sa IG first appeared on Abante.

bieber nagpaelya sa ig - Bieber nagpaelya sa IG
justine - Bieber nagpaelya sa IG

Maraming pinaelya si Justin Bieber sa pag-post nito na suot lang niya ay white underwear habang tinatakpan ng make-up ang buong katawan niyang may tattoo para sa music video shoot ng single niya na “Anyone”.

Walang kahiya-hiya si Bieber na underwear lang ang saplot ng hubad niyang katawan. Isang champion boxer ang gagampanan niya sa music video at kailangang takpan ang mga tattoo niya mula sa kanyang leeg hanggang sa mga binti niya.

Sa pinost ni Bieber last January 1 na time lapse video, makikitang nakaupo siya sa make-up chair at parang magic na natakpan ng mga professional make-up people ang mga tattoo niya.

Ilang oras din daw ang inabot para gawing makinis ulit ang katawan ni Bieber. More than 60 tattoos ang binura ng make-up sa katawan niya.

“No tats for the #AnyoneVideo,” caption ni Bieber sa IG video clip.

Marami ang naglaway na makitang makinis ulit ang katawan ni Justin. Nagmukha raw itong fresh, mabango at bata.

“Anyone” debuted on New Year’s Eve at dinirek ito ni Colin Tilley. (Ruel Mendoza)

The post Bieber nagpaelya sa IG first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *