Bieber-Baldwin ‘Christian wedding’ ngayong buwan na

Ang actor-dad ni Hailey Baldwin na si Stephen Baldwin ang nagkuwento sa media sa nalalapit na second wedding ng kanyang anak sa mister nitong si Justin Bieber.

bieber baldwin christian wedding ngayong buwan na - Bieber-Baldwin ‘Christian wedding’ ngayong buwan na
justin beiber - Bieber-Baldwin ‘Christian wedding’ ngayong buwan na

Ang actor-dad ni Hailey Baldwin na si Stephen Baldwin ang nagkuwento sa media sa nalalapit na second wedding ng kanyang anak sa mister nitong si Justin Bieber.

Ngayon September daw magaganap ang Christian wedding ng dala­wa sa South Carolina. Nataon pa na September 2018 noong biglang magpakasal sina Justin at Hailey sa isang courthouse sa New York.

“I just think that as Christians and as believers they understand that if you don’t have the God’s spirit wor­king in your marriage it just makes it more and more difficult to make it work and have peace and find happiness.
“Weddings and marriage are supposed to be a holy commitment, one onto another.

“They’re going to have a lot of their pastor friends and their Christian friends around them this time,” pag-reveal pa ni Stephen sa TMZ.

Excited na raw ang aktor to walk his daughter sa altar sa araw ng wedding nito kay Justin.

At kahit na raw maraming pinagdaanan na personal na problema ang singer, alam niyang mahal na mahal nito ang kanyang anak.

“Many don’t know that he’s quite a family man, he loves family and kids and things like that,” pagtapos pa ni Stephen Baldwin. (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *