‘Bidaman’ Jin Macapagal type ang dyowa ni Padilla

Tama ang chika ko na si Jin Macapagal ng Cebu ang mananalo sa “Bidaman” ng “It’s Showtime”. Sa presscon nga nila, silang dalawa ni Eris Aragoza ang napili ko na posibleng matira sa dulo.

bidaman jin macapagal type ang dyowa ni padilla - ‘Bidaman’ Jin Macapagal type ang dyowa ni Padilla
ABANTE jin 1 - ‘Bidaman’ Jin Macapagal type ang dyowa ni Padilla

Tama ang chika ko na si Jin Macapagal ng Cebu ang mananalo sa “Bidaman” ng “It’s Showtime”. Sa presscon nga nila, silang dalawa ni Eris Aragoza ang napili ko na posibleng matira sa dulo.

At ‘yun na nga, si Jin talaga ang tinanghal na Ultimate Bidaman sa “Bidaman: The Big Break” grand finale ng “It’s Showtime” noong Sabado (Agosto 10).

Si Jin, 24, ang nama-yagpag laban sa 11 na iba pang mga grand finalist sa iba’t ibang mga challenge na sinubok ang kanilang kakayahan sa pag-arte, koneksyon sa audience, at stage presence.

Sinelyuhan ni Jin ang pwesto niya sa kumpetisyon matapos niyang makakuha ng average score na 8.9 sa huling “The Spotlight” challenge kung saan kinailangan nilang umarte nang mag-isa gamit ang kanilang sariling piyesa.

Tinalo niya ang kapwa top 3 contenders na sina Eris Aragoza (8.6) at Jiro Custodio (8.3).

Dahil sa kanyang performancen at looks, tinawag siya ng huradong si Edu Manzano na “young Rico Yan.” At kung mabibigyan ng pagkakataon, si Kathryn Bernardo ang type niyang makasama sa harap ng kamera.

Ibinida rin ni Jin ang husay niya sa pakiki-pagsabayan sa aktingan kasama ang isang lea-ding lady sa “Matinee Matibay” challenge, kung saan nakaeksena niya ang aktres na si Jane Oineza. Ipinamalas din ni Jin, na isang phy-sical therapy graduate, ang galing niya sa pagsayaw sa unang “Bida Moves” challenge.

Bilang Ultimate Bidaman, wagi si Jin ng P1 milyon, isang management at movie contract sa ABS-CBN, isang bagong pick-up truck mula sa SsangYong, house and lot mula sa Lumina, at role sa MMFF movie nina Anne Curtis at Vice Ganda.

(D­ondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *