Bianca, Yasmien, Therese kahanga-hanga ang dedikasyon sa edukasyon

Todo-ngiti ang Kapuso actress na si Bianca Umali sa graduation niya kahapon sa senior high school. Angat na angat ang ganda niya kasama ang co-graduates niya sa Veritas Catholic School sa BF Homes Parañaque City.

The post Bianca, Yasmien, Therese kahanga-hanga ang dedikasyon sa edukasyon appeared first on Abante News Online.

bianca yasmien therese kahanga hanga ang dedikasyon sa edukasyon - Bianca, Yasmien, Therese kahanga-hanga ang dedikasyon sa edukasyon
bianca 1 - Bianca, Yasmien, Therese kahanga-hanga ang dedikasyon sa edukasyon

abante i know better jun nardo 336x224 - Bianca, Yasmien, Therese kahanga-hanga ang dedikasyon sa edukasyonTodo-ngiti ang Kapuso actress na si Bianca Umali sa graduation niya kahapon sa senior high school. Angat na angat ang ganda niya kasama ang co-graduates niya sa Veritas Catholic School sa BF Homes Parañaque City.

Nakakagulat siyempre kung paano naisingit ng “Sahaya” lead actress ang pag-aaral dahil bukod sa mga ta­ping eh sinu-shoot din niya ang pelikulang “Family History.” Eh, bago ang upco­ming film, natapos na ni Bianca ang horror movie nila ni Miguel Tanfelix under APT Entertainment, ang “Banal.”

Ang isa pang Kapuso actress na nag-graduate naman sa college ay si Yasmien Kurdi at Kapuso actor na si Renz Valerio. Si Therese Malvar naman ay dinadala sa set ng “Inagaw na Bituin” ang school work para ma-maintain ang Rank 1 niya sa school.

Sa interview kay Therese sinabi niya na, “I try to keep up with the lessons and homework I missed with the help of both my classmates and friends. So kahit absent ako, I still do what is given.

“I make it up to my grades by trying to perform well in tests. Thankfully, I have been Rank 1 in class the last sem. Hopefully this semester as well.”

Migo biglang sikat

Sumikat bigla si Migo Adecer dahil sa kontrobersyang kinasangkutan niya nitong nakaraang mga araw. Buti na lang, hindi sex video ang eskandalo niya ‘di tulad ng isang young actress, huh!

Major winner naman si Migo ng Starstruck. Eh dahil sa hirap siya sa pagsalita ng Tagalog, nalimitahan ang roles niya sa nagawang Kapuso series.

Sa pagkakaalam namin, solo living ang young actor dahil nasa Australia ang parents niya. Magsilbing lesson nawa ang kinasangkutan niyang reklamo.

The post Bianca, Yasmien, Therese kahanga-hanga ang dedikasyon sa edukasyon appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *