Bianca, Win magpapakasal na?

Alam mo, Dondon, si Senator Sherwin “Win” Gat-chalian ang resource person sa Pandesal Forum ng Kamuning Ba-kery bukas at a-attend talaga ako dahil ayon sa owner na si Wilson Lee Flores ay puwede raw magtanong ng showbiz.

The post Bianca, Win magpapakasal na? appeared first on Abante News Online.

bianca win magpapakasal na - Bianca, Win magpapakasal na?
shwrwin - Bianca, Win magpapakasal na?

abante anything goes jun lalin 336x224 - Bianca, Win magpapakasal na?

Alam mo, Dondon, si Senator Sherwin “Win” Gat-chalian ang resource person sa Pandesal Forum ng Kamuning Ba-kery bukas at a-attend talaga ako dahil ayon sa owner na si Wilson Lee Flores ay puwede raw magtanong ng showbiz.

 

Type kong kumustahin kay Win ang relasyon nila ng beauty queen/actress na si Bianca Manalo.

 

 

May iba kasing malalapit kay Win ang nagsasabing gusto na raw magpakasal ng politician, so, sagutin kaya niya kung si Bianca na ang pakakasalan niya?

O, baka naman may balak na talaga silang magpakasal?

 

 

May mga nagsasabi rin kasi na sobrang serious ang relasyon nilang dalawa, huh!

 

 

Kung matatandaan, na-link na rin before sa ibang mga aktres si Win, pero hindi naman n­aging seryoso ‘yon.

 

 

Si Bianca na kaya talaga ang “the one” ni Win?

 

Well, sana!

Kim, Xian serye simula na ang taping

 

Sa mga KimXi fan na nangungulit at hindi na makapaghintay sa “Love Thy W­oman” ng ABS-CBN na balik tambalan ng mag-sweethearts na Kim Chiu at Xian Lim, may update akong nakuha sa production team ng series na ‘yon.

Next week, June 11 to be exact, ay may team building ang cast and staff ng “Love Thy Woman” na pagbibida-han din nina Christopher de Leon, Zsa Zsa Padilla, Eula Valdez, Sunshine Cruz, Erich Gonzales, Jana Victoria at Ruffa Gutierrez.

 

Bukod sa team buil-ding, may look-test na rin ang cast on June 13, kaya malapit na talaga silang magsimula ng taping.

 

Sabi ng KimXi fans, sobrang susuportahan nila ang new series ng fave love team/sweethearts nila para magkasunod-sunod daw ang project together nina Kim at Xian sa Kapamil-ya network.

 

Sana nga raw ay magka-movie rin sa Star Cinema ang dalawa.

 

Tapos na ang deadline ko nang biglang mag-text ang isang taga-production ng “Love Thy Wo-man” at may update sila.

 

“June 8 – cam test/look test. June 11-taping day 1.”

 

So, mas mapapaaga pa, kaya mas matutuw­a ang KimXi fans!

Coco, Yassi magsasama sa thanksgiving party

Ka-touch din itong mga taga-Ang Probinsyano Party-List na nakakuha ng dalawang seat sa Congress.

 

Panay kasi ang remind nila para sa thanksgiving dinner party nila next week.

 

Dahil nag-guest din sa “Anything Goes” online show ko sa Facebook page ng Abante News Online si Ronnie Ong (na isa sa dalawang representative ng nasabing party-list, panay rin ang check nila kung makakasama ko ba ang mga taga-social media ng Abante.

 

Tinanong ko nga pala si Ronnie kung darating ba sa thanksgiving dinner party nila si Coco Martin na sobrang nag-support sa kanila noong kampanya, “yes” ang sagot ng congressman-elect.

 

Pati nga raw si Yassi Pressman ay nag-yes din sa kanila.

 

Darating din kaya doon sina Senator Grace Poe at Senator-elect Lito Lapid na nakasama rin nila sa ilang kampanya?

The post Bianca, Win magpapakasal na? appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *