Bianca walang respeto kina Snooky, Ana

Bianca walang respeto kina Snooky, Ana

Bongga si Bianca Umali sa Sahaya. I never like this actress pero pinahanga niya kami sa magandang performance niya sa Sahaya.

The post Bianca walang respeto kina Snooky, Ana appeared first on Abante News Online.

bianca walang respeto kina snooky ana - Bianca walang respeto kina Snooky, Ana
bianca umali 1 - Bianca walang respeto kina Snooky, Ana

Bongga si Bianca Umali sa Sahaya. I never like this actress pero pinahanga niya kami sa magandang performance niya sa Sahaya.

Kaya naman marami­ ang tumututok sa Sahaya.­ Sa mga confrontation scenes niya with Snooky Serna at Ana Roces ay ipinamalas niya ang bagsik para lang ipagtanggol ang inang nakaratay. Kaloka sa away nila ni Snooky na kahit matanda sa kanya at hindi na makapag­timpi ay pinagngud­nguran niya si Snooky at mabuti na lang ay may mga security na dumating mula sa hospital na kinalalagyan niya.

Maski sa eksena nila ni Ana Roces at dahil sa ina rin ay nasampal niya ng bonggang-bongga si Ana na natulala o na shock na hindi niya sukat akalain na masasampal siya ni Bianca.

Ang maganda sa akting ni Bianca ay may control pa rin siya kahit­ nagpupuyos ng galit sa mga umaalipusta sa kanilang mag-ina. Gayunpaman ay marami tayong natututunan good values sa SAHAYA at napag-aralan natin ang buhay at kultura ng mga Bad­yaw.

Hindi katulad ng Ang Probinsyano na nababatikos dahil sa kawalan ng respeto sa mga Policewoman in uniform na nare-rape. Kaya balita namin ay magre-review ang PNP sa pinirmahan nilang MOA with Ang Probinsyano.

Dapat ma­ging sensitive sila at pag-isipan bago gumawa ng mga ganung eksena. Alam naman natin na marami pa rin conservative dito sa Pilipinas na inaalagaan ang mga values ng Pinoy. (Joe Barrameda)

The post Bianca walang respeto kina Snooky, Ana appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *