Bianca palaban sa lampungan kay Dennis

Lubos ang pasasalamat ni Bianca Umali na napili siya bilang isa sa mga bida ng Legal Wives. Gaganap siya bilang si Farrah, ang pangatlo at pinaka-batang asawa ni Ishmael na gagampanan naman ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo.

The post Bianca palaban sa lampungan kay Dennis first appeared on Abante.

bianca palaban sa lampungan kay dennis - Bianca palaban sa lampungan kay Dennis
bianca 3 - Bianca palaban sa lampungan kay Dennis

Lubos ang pasasalamat ni Bianca Umali na napili siya bilang isa sa mga bida ng Legal Wives. Gaganap siya bilang si Farrah, ang pangatlo at pinaka-batang asawa ni Ishmael na gagampanan naman ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo.

Sa interview kay Bianca, sinabi niyang blessing ang proyektong ito.

“Hindi ko po alam kung ano ang mapi-feel. Kasi parang napakaganda po noong role, napakalaki ng proyekto, and yung makatambal si Kuya Dennis na isang beteranong aktor is a blessing for me, and I’m excited to start the experience.”

At siyempre, bilang batang asawa, mas maraming lampungan o lambingan moment, o halikan si Bianca kay Dennis, di ba? At game na game naman si Bianca sa part na `yon, na sabi nga niya ay alam niyang maalagaan siya at magagabayan ni Dennis.

Marami na nga ang nakaabang sa cultural drama series na ito na handog ng GMA Entertainment Group. Kasama rin dito sina Andrea Torres, Alice Dixson bilang mga asawa ni Dennis. (Ruel Mendoza)

The post Bianca palaban sa lampungan kay Dennis first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *