Bianca palaban na sa relasyon kay Sen. Gatchalian

Handa na ngang ipangalandakan ni Bianca Manalo ang kasintahang si Sen. Win Gatchalian sa mga netizen ngayong ipinakita na niya ito sa kanyang mga fan, supporter.

bianca palaban na sa relasyon kay sen gatchalian - Bianca palaban na sa relasyon kay Sen. Gatchalian
bianca 6 - Bianca palaban na sa relasyon kay Sen. Gatchalian

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 26 336x224 - Bianca palaban na sa relasyon kay Sen. GatchalianHanda na ngang ipangalandakan ni Bianca Manalo ang kasintahang si Sen. Win Gatchalian sa mga netizen ngayong ipinakita na niya ito sa kanyang mga fan, supporter.

Nag-post si Bianca ng dalawang larawan nila ng Senador sa Instagram niya na kuha sa isang concept, theme party. Sa caption, nilagyan niya ng ilang stanza ng lyrics ang mga photo na “That Thing Called Love”.

Hindi man nilalanggam sa tamis ang lambingan nina Bianca at Sen. Win, ramdam naman ng mga follower nila ang romansa nila. Kinikilig sa kanilang mga comment ang mga fan ni Bianca nu’ng makilala nila ang lalaki na si Sen. Gatchalian nga.

May iba na kababayan ni Sen. Win at nagsabing boto sila kay Bianca.

Sa mga travel ni Bianca, kahit alam ng kanyang mga tagahanga na kasama niya ang kasintahan, hindi ito masyadong nagsi-share ng kanilang mga larawan sa social media. Lagi ngang solo ang “Ang Probinsyano” actress sa mga photo.

So, handa na nga si Bianca at ang tanong, kailan ang kasal?

Sunshine, Melai super inlababo kina Macky, Jason

Parehong inlababo nang bonggang-bongga sina Sunshine Cruz at Melai Cantiveros sa kani-kanilang mga dyowa. Si Sunshine sa kapatid ni Ara Mina na si Macky Mathay, at si Melai sa mister niyang si Jason Francisco.

Ginamit ng dalawang aktres ang Instagram nila para ipahayag ang nararamdaman nilang pag-ibig at kasiyahan sa piling ng kanilang mga lalaki.

Sa IG post ni Sunshine na kasama si Macky, naglagay ng song lyric caption ang aktres na “You made me so very happy, I’m so glad you came into my life”.

Sinundan ito ng mensahe ng pagiging blessed ng aktres sa pagdating nito sa kanyang buhay.

Sa IG post ni Melai ng solo photo ni Jason, sinabi niya na ipinanganak si Jason habang dinadala naman siya ng kanyang ina sa sinapupunan nito. Itinuturing ni Melai na destiny ang pag-iibigan nila ni Jason dahil kumapit siya sa sinapupunan ng ina na muntik na raw makunan noon.

Nagpasalamat sa Diyos si Melai sa ginawa nitong pagtatagpo at pagkakatuluyan nilang dalawa ni Jason. Ngayon nga ay may dalawa na silang anak.

Angeline ayaw nang pabuntis, pakasal kay Erik Santos

Malabo na talagang mabigyan ng anak at maging misis ni Erik Santos si Angeline Quinto, na sinigurado na mismo ito ng biriterang singer sa kanyang birthday message sa tinaguriang Prince of Pop.

Nag-post si Angeline ng selfie photo nila ni Erik para sa kanyang birthday message sa Instagram. At sa caption ay sinabi ni Angeline na gustong-gustong na talaga ni Erik na magkaroon ng mga anak at asawa. Pero hindi nga manggagaling kay Angeline ang mga anak at kasal na pangarap ni Erik.

Ito ang wish ni Angeline, ang makatagpo si Erik ng babaeng pakakasalan at magbibigay sa kanya ng sarili niyang pamilya. Umaasa man ang mga fan sa kanilang mga comment na magkakatuluyan ang mga idolo nila, pero nakasaad sa mensahe ang pagiging magkaibigan na lang talaga nila.

“Alam mo naman pogs, kahit anong mangyari nandito lang ako,” sabi pa ni Angeline.

Ka-level nina Greta, Jinky, Heart, Sharon:

‘Kayamanan’ ni Rufa Mae pinagdudahan ng mga fan

Naloka ang netizen sa dami ng mga branded bag possessions ni Rufa Mae Quinto.

Sa estado nito na hindi naman talaga matatawag na superstar, dinaig pa ni Rufa Mae ang ibang big stars sa showbiz na kumikita ng milyon-milyon sa kanilang mga pelikula at endorsement.

Humihilera si Rufa Mae sa mga kalibre at yaman nina Heart Evangelista, Sharon Cuneta, Vicki Belo, Regine Velasquez, Gretchen Barretto at Jinkee Pacquiao sa paramihan ng mga branded at luxury accessories.

Nalantad ang pagiging shopaholic ni Rufa Mae nang i-post niya sa social media ang pagbebenta niya ng kanyang mga bag.

“Name it, I have it!” ang sabi ni Rufa Mae.

Kung ano nga raw ang uso sa market ay meron si Rufa Mae. Nagtatanong tuloy ang netizen kung saang mga raket galing ang ipinambili ng mga bag ni Rufa Mae, na hindi bababa sa mahigit P100,000 ang bawat isa.

Kilala naman sa showbiz na masinop sa pera at masipag si Rufa Mae. Dagdag pang meron itong negosyo bukod sa karera nito bilang aktres.

Pero, ang impression ng iba ngayon, nagkukulang na sa pera ang aktres kaya ibinebenta na niya ang kanyang mga mamahaling gamit.

Well, may bagong business si Rufa Mae at ito ay ang pag-i-import ng wine brand na “Alexandria” mula Amerika. Katuwang niya ang asawang si Trev Magallanes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *