Bianca nagwala sa selos kina Ruru, Jasmine

Bianca nagwala sa selos kina Ruru, Jasmine

Kaloka ang kuwentong ito, ha! Feeling ko, parang eksena sa teleserye.

bianca nagwala sa selos kina ruru jasmine - Bianca nagwala sa selos kina Ruru, Jasmine
bianca umali 3 - Bianca nagwala sa selos kina Ruru, Jasmine

Kaloka ang kuwentong ito, ha! Feeling ko, parang eksena sa teleserye.

Anyway, naganap ang eksenang ito sa mismong parking lot ng Megamall, na kung saan ay ginanap nga ang premiere night ng pelikulang “Cara X Jagger” na bida sina Ruru Madrid at Jasmine Curtis Smith.

Ang bongga nga ng premiere night, dahil dumalo talaga ang karamihan ng sikat na Kapuso star, tulad nina Sanya Lopez at Andrea Torres.

At siyempre, bilang surprise guest, dumating si Bianca Umali, na sa simula, ang sabi ay busy sa work, kaya hindi makakarating. Pero ‘yun na nga, dumating siya, and for sure, natuwa naman si Ruru.

Pero, ang masayang eksena sa premiere night ay tila napalitan daw ng galit, o lungkot?

Ang eksena raw, base na rin sa isang nakasaksi, magkakasamang umalis sina Ruru, Jasmine at Direk Ice Idanan sa venue? Sa sasakyan daw ni Ruru sumakay ang dalawa?

At dito nga raw ay biglang lumapit si Bianca, kinatok ang salamin ng kotse ni Ruru, sabay sabing: “Congratulations!” sabay talikod.

Na siyempre, ikinaloka raw nina Ruru, Jasmine at Direk. Pero, sinundan nga raw ni Ruru si Bianca sa kotse, at kinatok din ang pinto nito.

Pero, sa halip na mag-usap ang dalawa, bigla na lang daw itinulak ni Bianca si Ruru, sabay sarado ng pinto ng sasakyan. Bumagsak nga raw sa sahig si Ruru.

“Eh, biglang may dumaan na sasakyan, kaya muntik din siyang masagasaan, mabuti na lang at nakaiwas,” sabi pa ng aming kausap.

Sobra-sobrang pahiya nga raw ang naramdaman ni Ruru sa nangyari. At sabi nga ay asar na asar raw ang pamilya ni Ruru sa inasal na ‘yon ni Bianca.

Well, bukas ang Abante sa ano mang side ni Bianca, o ng kahit na sinong sangkot sa kuwentong ito. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *