Bianca-Miguel inayawan na ng mga fan

Sinukuan na ba ng BiGuel fans ang kanilang idolo na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix? Mukha kasing nawalan na ng pag-asa ang mga BiGuel fan na muling magkabalikan ang dalawa at tila hindi na sila masyadong excited sa pagsasama ng dalawa sa “Daig Kayo Ng Lola Ko”.

bianca miguel inayawan na ng mga fan - Bianca-Miguel inayawan na ng mga fan
biguel 1 - Bianca-Miguel inayawan na ng mga fan

Sinukuan na ba ng BiGuel fans ang kanilang idolo na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix? Mukha kasing nawalan na ng pag-asa ang mga BiGuel fan na muling magkabalikan ang dalawa at tila hindi na sila masyadong excited sa pagsasama ng dalawa sa “Daig Kayo Ng Lola Ko”.

May ibang grupo na ng mga fan na pinu-push na itambal sina Bianca at Migo Adecer. Ang tawag sa kanila ay JorSah or Jordan at Sahaya na galing sa teleserye na “Sahaya”.

Mas fresh daw silang tingnan ngayon dahil na rin sa pagka-hunk ni Migo na bagay sa alindog ni Bianca.

‘Di namin masisi ang BiGuel fans kung nanlamig na sila kina Bianca at Miguel dahil ‘di na sila nakikitang magkasama. Idagdag pa na nali-link romantically si Bianca kay Ruru Madrid na ‘di nagugustuhan ng ibang fans.

Si Miguel naman ay parating solo flight at open na raw siyang makatrabaho ang ibang Kapuso actresses ngayon.

Sayang naman kung ganito ang kahihinatnan ng BiGuel love team na isa pa naman sa top tandems sa telebisyon. Sana ay magawan pa ng remedyo dahil marami pa rin ang umaasa na magkakatuluyan ang dalawa. (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *